Chapter 2: Casanova and Nerd

585 9 8
                                    

Chapter 2: Casanova and Nerd

FRITZ MENDEZ POV

It’s a nice day again for me. I’ll be in school treated as prince at magkakaroon nanaman ng mga bagong girlfriend. Exciting diba?! After kong magbihis, sumakay na ako sa kotse naming kasing gwapo ko and after sometime. Nasa school na ko, rinig ko agad ang tili ng mga babaeng crush AKO. Ako ha! Ako ang crush! Ang iba diyan napagsawaan ko na.

Napagsawaan ko na! pero sandali , iba ang iniisip niyo ha!. Hindi yung pinagsawaang nagTOOT kami, kundi naging karelasyon ko na, ganoon ba, ganoon! HUWAG nga kayong GREEN!

“oh my…waaahhhh!!!!!!!!!!!!! Ang gwapo talaga niya!”-girl1

“WE LOVE YOU FRITZ! WAAAAHHH!”

Nagwave naman ako ng hand sa kanila, halos mahimatay sila sa ginawa ko, wave ko palang yun paano pa kaya kung ngumiti na ako? Baka may mamatay na talaga?! Eh, paano kapag kinausap ko na? baka sa langit na talaga ang tuloy niya. HAHAHAHA!!

Naglakad na ako papunta sa classroom ko, then I saw a girl na mag-isa sa corner, at nagbabasa then I look at her, she’s nerd, so hindi ko na siya pinansin, dumaan lang ako sa harap niya. Sure ako hahabulin ako niyan pero syempre nerd siya, pakipot pa yan.  Pagdating ko sa room wala pa ang prof namin, may isang girl na lumapit sa akin.

“Ummph, Fritz can I be your girlfriend?” tanong ng girl habang nakapout ang lips.

“sure sweetie!” pinaupo ko siya sa tabi ko inakbayan, binubulungan ko siya ng kung ano-anu. Ang saya saya talaga kapag sikat na sikat ka! Hahahahahaha! Ang babaeng kasama ko naman, to the highest level ang kilig sa akin, halos ilabas na niya ang dibdib niya. Pero sorry siya, hindi ako madaling maseduce. At halata naming nagpadagdag siya eh! Retokada! Kahit papaano mas maganda parin yung natural lang.

Well, before anything else FRITZ MENDEZ is my name. A casanova.

Take note! A CASANOVA, capital letters yan para madali niyong matandaan. Ang dami kong gustong ipagmalaki sa inyo tungkol sa kagwapuhan ko, pero kapag sinabi ko yun lahat, baka pati kayo mainlove na sa akin. Marami pa kayong nakapila eh, kaya wag muna girls ha.

Maya-maya ay lumabas na ako ng classroom with my new girlfriend, sabi niya Ani daw ang pangalan niya, isang tourism student and I tell you she won every single pageant she attended.

“so tell me, why do you want me as your boyfriend?” tanong ko sa kanya.

“why? Kailangan pa bang tanungin yun? Syempre ang dahilan ay, you’re hot!” sabi ni Ani, then she winked on me..hayy!! girls, girls, girls!

“so, what time is it Ani?”-ako

“It’s Anne! exactly 1:30, why?”-anne

“ummph. Bye Ani, oh? Anne? Thanks for the time!” paalis na sana ako ng bigla niya akong hilain..

“w-why?” nagpuppy eyes siya.

“break na tayo. I’m so sorry!” sabi ko  sa kanya at umalis agad, and left her hanging. Another girl,was broken hearted because of me. Alam niyo ba bakit ang dali kong ibreak ang isang babae? Kasi hindi naman ako ang nanliligaw, sila. Kaya kung gusto ko silang ibreak, pwedeng pwede, pero syempre kapag ako ang nanligaw, if mangyayari yun. Syempre, yung taong una kong liligawan ay ang taong pakakasalan ko na rin.

May pangarap naman talaga akong maikasal no, kaso lang ngayon dapat LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST! Dahil kapag nagkaasawa ako, wala na, hindi ko na ito magagawa kasi, dapat maging LOYAL daw para may TRUST siya sa iyo.

LAURETTO LEW SANTOS POV

So this is day a new day, gumising ako ng 5am, never pa kong gumising ng tanghali kasi based on researches, mas magandang gumising muna, bago pa sumikat ang araw, mas magiging healthy ang isang tao. I drink cup water then start my routines to school, I walked from our house to bus station, ito na yung tinuturing kong exercise ko sa bawat araw. Mahirap ng walang exercise no, lalo na sa panahon nating pabata ng pabata ang inaatake sa puso. Finally dumating na ang bus then sumakay na ako, 15min lang nasa school na ako…

“Hi nerd!” –boy1.

Ito ang tawag sa mga taong KSP, hindi ko sila pinansin, pumunta na lang ako sa locker ko but before that I saw a sign at the discussion board na, they need a good speaker for an impromptu speech.WOW! I’m so interested. After ko mabasa lahat ng instruction, pumunta na ako sa locker ko and get 5 books. Tapos pumasok na ako sa class ko. Mga tanghali na, may 30 min akong free time kaya I read books at the corner, tapos biglang may lalaki akong napansin, napatingin ako sa kanya, tapos tumingin rin siya then he smiles gradually. Akala mo gwapo! Sinundan ko siya ng mata ko, but he never look back.

By the way, I’m LAURETO LEW SANTOS, simply call me Lew, and my name is pronounced as “LAWREYTOW” not “LORETO”  isang tao lang ang nakaktawag sa akin ng Loreto, pero  ayoko ng maalala pa yun, and Lew is pronounced as “LU”.  I know that I’m weird and I’m a nerd. They say I’m weird because the way I dressed and everything, pero let me tell you ibang iba ako sa ibang nerd, ma pride ako, self-centered and I wan’t to be the only no.1 specially to studies. Well. I guess if you look at me, I’m wearing eyeglasses. I do not wear sleeveless clothes, tube or spaghetti, but I wear t-shirts and sometimes blouses. I do not wear super- short shots but I wear pants. I never dreamed of wearing super high heels shoes and sandals but I wear rubbershoes. I have this long-curl-black hair.. And I tell you I’m different!

After 30 minutes kong nagbasa ng books bumalik na ako sa classroom ko, then I saw group of girls tapos dumaan lang ako sa harapan nila but mukhang pinagtripan talaga ako ng mga ito.

“hi LORETO!”  sabi nung isang babae habang tumawa pa sila ng pagkalandi-landi..hindi ko sila pinanasin, pero tinapunan nila ako ng papel sa ulo kaya bumalik ako. Naglakad ako papunta sa kanila.

“so, Loreto anong gagawin mo sa amin? Sasabihan kami ng mga science facts mo?”-girl1

Iniharap ko ang mukha ko and then inayos ang salamin ko.

“pakisabi nga ulit ng pangalan ko, miss?”- ako

“your name? LORETO! And it sucks!”- girl2.

“it sucks? And your face, it f****, so sorry girl my name is pronounced as LAWREYTO and not LORETO, did your teacher teaches how to pronounce well o hindi ka lang talaga marunong bumasa, tell it to me ha, pwede kitang turuan. Libre pa!” –ako. Matapos ko tong sabihin umalis na ako, baka sabunutan pa ako. I left her speechless. At naglakad ako papunta ulit sa classroom ko.

FRITZ MENDEZ AND LAURETTO LEW SANTOS POV

I am the person that will make your day good. Ako ang taong inyong hahangaan.

How to Make a Nerd Cry?Where stories live. Discover now