Chapter 22: This day

128 4 8
                                    

Chapter 22: This day

FRITZ MENDEZ POV

This is the day, you can do it Fritz, confess and when she believed. That’s it! Hooh! Pero ang badtrip ha , araw araw akong tumatawag sa kanya, pero palagi niya akong pinapatayan ng phone, kung hindi naman out of coverage siya, sa text di rin nagrereply. Tss!

Today is Saturday, hindi ako dapat malate kasi mawawala yung chances ko para gumanti, 8 pa lang nasa mall na ako, yeah open na sila ng ganitong oras pero wala pang tao, kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang sarili ko. Walang kupas ang gwapo ko parin. Dapat maging gwapo ako ngayon.

SANDALI! Bakit kailangan kong mag effort ehh I’ll gonna break her heart lang naman, tama na Fritz, you are over reacting.

Umupo ako sa may stairs ng main entrance eksakto 8.30 dumating si nerd. Wala ring siyang pinagbago, nakasalamin, jeans shirt, bagpack pero bakit parang lumiwanag siya ngayon at gumanda? No way! Lumiwanag lang siya, parang punong puno ng ilaw, kinusot ko ang mata ko pero maliwanag pa rin siya. Hinayaan ko na lang at lumapit sa kaniya.

“it’s nice to see you.”

“it’s not nice to see you.” nakakaBV siya ha. Hmmpt! Sarap mo sapakin!

“oh Lew, ano ka ba! It’s our date, kaya smile naman diyan.” She just rolled her eyes at naunang naglakad papasok, excited lang?

Nasa loob na kami ng mall, walang nagsasalita sa amin, walang emosyon ang kaniyang mukha. Paano kaya siya nagustuhan nung lalaki nay un? Kung ang ganito itong nerd na ito? Tss! Wala siyang taste. Hinawakan ko ang kamay ni Nerd at bigla siyang napatingin sa akin at kinuha ito, pero hinigpitan ko ang pagkakahawak at ningitian siya. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Ang saya saya ko.

“anong gusto mong gawin?” tanong ko sa kaniya.

“umuwi” tipid niyang sagot.

“sige iuuwi kita sa condo ko, dun natin ipatuloy.”

“gusto mong masaktan?”

“joke lang, manuod tayo ng movie.”

“anong movie?”

“catching fire.”

Tumango lang siya, bumili kami ng ticket yung mga babae tinitingnan ako, wala namang halong pagseselos ang nakita k okay nerd, tss! No feelings talaga siya sa akin. Pero yung sa lalaki na iyun, ibang iba ang nakita kong Lew, yung bang maamo, mabait, may emosyon ang mukha. Naninikip nanaman ang dib dib k okay pinalo palo ko ito.

“anong nangyari sa iyo?” tanong ni Nerd.

“masakit ang dibdib ko.” Sagot ko.

“uwi na tayo,” agad niyang sabi,

“hindi .” pinigilan ko siya at pumasok na kami, hooh! Ang daming nanonood, bagong palabas kasi .

For the whole time ng palabas tahimik kaming dalawa, nawala na rin ang sakit ng dibdib ko. Umalis na kami sa sinehan at diretrso sa kainan, kumain kami ng tanghalian, hindi kami masyadong nagsasalita.

“girlfriend niyo po ba sir?” tanong ng waiter sa amin

“ah—“ sasagit sana ako ng

“hindi, napili—“ kaya pinutol ko ang sasabihin ni NErd

“magiging  pa lang. bagay kami diba?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How to Make a Nerd Cry?Where stories live. Discover now