Chapter 16: A hug

185 3 2
                                    

Chapter 16: A hug

FRITZ MENDEZ POV

Halos isang linggo ko na siyang sinusuyo suyo, kung minsan nga ehh, nauubusan ako ng pasensya sa kasupladahan niya at sa kapangitan niya, pero tinitiis ko. Heto kami pupunta sa mga indigeneous people at mag-aabot ng konting tulong. Para masaya. At ito, apat na ang nagagawa kong steps. YES! way to go!

5. Get her contact information.

Ok! nahihirapan ako sa kanya, kung bakit? eh wala daw siyang phone, walang facebook, or twitter. Pero wattpad meron. tss! PALUSOT lang?

Sumakay kami ng bus papuntang Banawe Rice Terraces. Alam niyo were going to Ifugao..ahahahahahahahahahahahahahaha :D ok ako na OA sa mga places.

Nang nakarating na kami sa Ifugao, nagpahinga muna kami galing sa byahe. Mga ilang oras lang ay nagumpisa na kami.Buti nalang medyo nawala na yung issue about kay Nerd at pinapakinggan na siya ng mga ka co- members namin. Kasi naman itong si Nerd, pinapatulan lahat. hindi man lang niya isipin ang sarili niya. Concern ba ako?! NO WAY!

“sige guys, magpahinga muna tayo ngayon. Ok?”-Nerd

May biglang dumaan “ok! Feeler.” Nagtawanan sila,sasagot pa sana si Nerd ng bigla ko siya hawakan at mag-utter ng words na, “Leave her”.  Hinigit niya ang kamay niya ng malakas at umalis.

Nang gumabi na, kumain na ang lahat, pero hindi ko nakita si Nerd. Sabi nila nag-aayos pa raw ng gamit, pero pagdating  niya, wala na siyang pagkain.

“BAKIT?!” napatingin sa akin ang lahat.

“BAKIT HINDI NIYO INIWANAN NG PAGKAIN SI LEW?!!!”sigaw ko sa kanila, nakaktitig lang sila, habang nakita ko si Nerd na nagtakip ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Pero nagagalit talaga ako sa kanila.

“sinong lew?”

“SINONG LEW?!” tinuro ko si nerd. “SIYA!BAKIT KAYO…”

“SHUT UP! Shit!”-  sigaw ni nerd. “sige lang, kain lang kayo… hindi pa ako gutom.”- tumalikod siya at parang wala lang nangyari,

Ano ba talaga si Nerd sakanila? MULTO?! Mga,AHH! Bwisit!. naupo na lang ako at kumalma.

Gabing gabi na.. sinubukan kong lumabas para magpahangin.. patay na ang lahat ng ilaw sa tent, maliban sa isa. Kanino pa ba? Edi kay Nerd.

“hmmm… hey!” walang sumagot.

“gising ka pa ba?” sabi ko ulit

“malamang, nakabukas pa ang ilaw ko.”

Nerd? ang pilisopo mo! Pasalamat ka kailangan kong magpakabait.

“ah- okay pwede bang pumasok?”

“bawal.”

“please!”

“bawal”

“wala ka talagang awa, nilalamig nako.”

“kasalanan ko ba? Ikaw ang pumunta dito?”

“Lew! Please!” kunwari akong sumisinghot ng sipon.

“bawal.”

“alam mo, kung hindi lang kita mahal kanina pa ako nagalit.”

“sino ba nagsabi sayo na mahalin mo ako!?” wow feeler siya, pero oo nga naman ako ang nagsabi.

How to Make a Nerd Cry?Onde histórias criam vida. Descubra agora