Chapter 1: tear rain

741 8 19
                                    

Chapter 1: tear rain

FRITZ MENDEZ POV

Masaya akong pumasok ng school ngayon, bakit? Wala lang, basta masaya ako. Lakad! Lakad! Nang nakita ng dalawa kong mata na may kasama si Lew, lalaki. Sino kaya yun? Kaibigan lang siguro. Masyado naman akong OA kung makareact. Atsaka hindi ako nagseselos dahil  may kasama siyang lalaki, asa!  Pero infairness, gumanda siya ngayon, hindi siya nerd tingnan.

Pupunta pa nga pala ako ng laboratory namin kasi may sasabihin daw sa akin yung kapatid ni Lew ko, si Nikki. Naglakad ako papunta ng lab, pagpasok ko nagulat ako sa aking nakita. Mga pangyayaring hindi ko inakala

Ang mahal ko este ang babaeng si Lew, may kahalikang ibang lalake, sinugod ko ang lalaking kahalikan niya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa, basta’t  kusang gumalaw ang katawan ko at pinagsusuntok siya. Galit ako? Oo, galit na galit  ako sa hindi malamang dahilan!

“SUMMER! Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?!” kinuwelyuhan ko siya at sinuntok sa kanyang mukha, napangudngod naman siya sa ginawa ko, pahakbang na ako para patayuin siya ng,

“stop it!” tinulak ako ni Lew palayo sa lalakeng walang-hiya   “Wala kang pakialam sa lahat ng mga ginagawa ko!” natigilan ako sa sinabi niya. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit kumikirot ang aking dibidib? Bakit?! Bakit?!!!

Nilapitan niya si Summer at tinulungan itong tumayo, umalis rin sila matapos nito, naiwan akong nakatayo, hindi ko magalaw ang aking katawan para habulin sila. Natira na lang akong nakatayo at naka form ang fist ko.

“hindi mo pa ba alam? Ito ang ate ko ngayon? Masaya ka bang makita siyang maganda?” 

Kahit mga salita ni Nikki, sa tingin ko parang hangin lang ito, naririnig ko pero hindi magsink-in sa utak ko. Natira akong mag-isa sa Laboratory, nakatayo parin ako. Hindi ko maintindihan kung ano ako, anong nagyayari sa akin, ano itong nararamdaman ko?

“Mr. Mendez, please go out the Lab, our class will start.” Doon lamang ako natauhan, at lumabas ako.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, nagtakbuhan ang mga estudyante sa loob ng building. May mga tumatawag sa akin para magpasilong kami,pero hindi ko pinapansin. Hanggang sa makalabas ako ng gate, basang basa na ako dahil sa ulan.  Pero pati ang mga patak ng utak, di ko maramdaman.

LAURETTO LEW SANTOS POV

 “so, do you mind going in my place? And have some fun tonight?” tanong ni Summer sa akin.

“sorry, pero break na tayo, your lousy.” Sabi ko lang sa kanya sa walang ganang tono. At iniwanan siya, di naman niya ako hinabol. Mga lalake nga naman, isa lang ang habol sa mga babae.

Nakauwi na ako sa amin, at pumasok ako ng bahay. Nakatingin sa akin ang parents ko pati ang tatlo kong kapatid. Hindi ko sila pinansin, at diretso ako sa kwarto ko.

I saw my picture together with Fritz. Umupo ako sa kama ko ang I grab our picture , then I found myself crying. Alam niyo yung feeling na nerd ka, self-centered na tao, mapride and then biglang nagbago ang lahat sa isang dahilan na hindi mo maexplain, kahit gaano pa ako katalino, di ko kayang maexplain tapos sa isang iglap, akala mo yun na hindi pa pala. Ang sakit-sakit! Gusto kong magwala, bugbugin si Fritz at magsuicide pero, ano naman ang magandang maidudulot nun wala, wala rin.

Ilang sandal lang ay umulan, sumilip ako sa bintana.

“oh,ano ngayon? Nalulungkot ka rin kasi umiiyak ako?! Diba ikaw naman ang may gawa ng lahat ng ito? Tapos ngayon uulan ka! Ano ka?! Ha?! “ humagulgol ako sa pag-iyak hanggang sa unti-unti na akong napapaupo…habang pinapalo ko ang dibdib ko..

“ang tanga-tanga mo, bakit ka umibig!” patuloy parin ako sa pagpalo sa dibdib ko, hanggang sa wala na akong ginawa kundi umiyak ng umiyak.

Ganito ba talaga kasakit?

Ganito ba talaga? kailangan ang nerd ang palaging umiiyak?

Ganito ba umiyak ang isang Nerd?

----------------------------------------------------------------------------------

and thanks sa advices @msForgottenLady

How to Make a Nerd Cry?Where stories live. Discover now