Chapter 14: Happy Roses Day

185 1 2
                                    

Chapter 14: Happy Roses Day

LAURETTO LEW SANTOS POV

Kinabukasan maaga akong nagising mga 5 am palang gising na ako

Sinubukan kong tingnan ang kwaro ni kuya at nakita ko wala na si Fritz. Buti naman at narealize niyang umalis, kasi kung hindi, sino siya? Pero may nakita akong letter sa lamesa ni kuya at nakasulat ang LEW FOR YOU kaya binuksan ko, lumabas yung mga petals ng rose, YUCK!! EWWW! Cheap!, walang nakasulat pero may nakalagay na “happy roses day!”

ayy! May ganun na pala ngayon? Kalian  kaya nagawa ang roses day? Kanina lang? Gawa gawa siya!

Lumabas ako ng kwarto ko para magluto, nakita ko agad si Papa at Mama at.

“anak, for you!”. May inabot silang rose sa akin tapos abot langit ang kanilang ngiti! Napataas lang ang kilay ko, nang mapansin kong may papel sa ibaba ng rose. Binuksan ko yung maliit na card at nakita ko ang letrang “I”

Ahhh! Ok .. ano naman toh?! Tsk waste of time. Kung si Mr Casanova daw ang may gawa. Useless to. Itatapon ko na sana kasabay ng letter nang…

“WAG NA WAG MO YANG ITATAPON!” nagulat ako sa sigaw ni Mama.

“Ma naman! Ang aga!” napahawak ako sa dibdib ko sa gulat, halos mahulog ang eyeglasses ko.

“bakit mo yan itatapon?! Kapag iyan tinapon mo..” biglang nag-iba ang atmosphere parang may maitim na bumalot sa katawan ko …nakakatakot. “lagot ka saakin”. Sabi ni mama sa akin kaya’t ipinasok ko sa kwarto ko at naghanda na para sa pagpasok ko.

“MA! PA! KUYA !ATE! BUNSO! ALIS NA AKO!”. Sigaw ko mula sa labas ng bahay, sumagot naman sila. Pagbukas ko ng gate, biglang may mga petals nanaman ng roses ang nahulog.. ANO BA!!! Ang kalat.. kainis talaga siya! Argh!

Ngunit bago pa ako makalabas ay may nakita akong rose sa gate at ngayon ang nakasulat ay. “WILL”. ..tiningnan ko itong mabuti at pumasok ulit ako sa kwarto ko kinuha yung rose at flower..

Ano kayang trip ni MR. Casanova daw? I will? Ummp! I will ano??!! Huh???

Sumakay ako ng taxi, sosyal ko noh! Taxi, eh kasi naman malapit na akong malate, ng dahil sa rose. Bababa na sana ako at magbabayad nang…

“ah miss, ikaw ba si Ms. Lauretto?” tanong ng driver na mukhang sosyal, parang nakita ko na siya, as in familiar parang isa sa bodyguard ni Mr. Casanova daw? Ewan!

“yes! Why?” bigla siyang may inabot na rose.  At ngayon ang nakasulat ay “ALWAYS”. Matapos niya itong iabot, umalis naman ito agad. Tsk! Ano ba kasi ito!

Then when I stepped in our school’s gate. May rose, si kuya guard, may librong tinapon sa akin, may nakaipit na rose.

“bakit mo tinapon?!”- sakit ng tapon niya ha.

“SABI KASI NUNG GWAPONG LALAKI IBIGAY KO DAW!!! Huhuhu”. Umiiyak siya…ahhhhhhhh!

Naglakad ako papasok ng school, with Roses, YUCK! Biglang may cute na bata ang kumalabit sa akin.

“ate! Ate” ibinigay niya yung rose.

“salamat, bye! Bye!”, umalis na yung bata.

Tas mamaya may babaeng nag abot sa akin, tas may lalake din, then si Prof! tapos si DEAN?! Oo si DEAN.

Tapos may huni ng Bird at may nahulog na ROSE!galing! (clap clap)

How to Make a Nerd Cry?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon