ILY-01

38.1K 835 138
                                    

Author's Note:

Kung ayaw sa ganitong type of story at hindi kayo komportable, huwag na ninyo basahin. Pero sinasabi ko sa inyo... hindi po ito yung type na may BS ang magkapatid. Matino pa naman ito kahit papaano.

Well, fiction is fiction. Kanya kanya lang ng trip yan. LOL

***

Nakatingin na naman ako sa facebook ng kapatid ko. WARREN FAJARDO.

(♥__♥)

Bakit?! Bakit ang gwapo ng kapatid ko?! May bago na naman siyang upload na picture so I saved it on my desktop. Mayroon akong folder nya rito. Kahit nga sa cellphone ko ay mayroon din akong folder ng mga pictures niya. Sobrang nahihibang na ako!

“Ano kaya ang itsura mo sa personal ngayon? Siguro mas matangkad ka tingnan.” Kinausap ko yung picture nya habang nakahalumbaba. 

Abnormal ba ako?

Abnormal ba na magkagusto sa sarili kong kapatid? Kung nakasama ko lang siguro siya na lumaki ay masasanay na ako at hindi magkakagusto sa kanya. Pero dahil nga sa facebook ko lang siya nakikita ay masyado akong humanga sa angkin nyang kagwapuhan. I like him! Sobrang crush ko na talaga ang kapatid ko!

Iniwan ko na bukas ang facebook ko at humiga sa kama, hindi kami nag-uusap ni Kuya. Malimit siyang naka chat offline sa facebook kahit online naman siya minsan. Sa tuwing birthday ko, bumabati lang siya sa akin ng simpleng 'Happy Birthday'. Magpo-post siya sa wall ko and that's it. Pero never pa ako nag message sa kanya o siya sakin. 

I don't know, siguro nagkakailangan pa. Pero deep inside, gusto ko na siyang makasama. 

Friday...

Bukas na ang 18th birtday ko kaya kinakabahan ako. Invited ang buong relatives namin pero wala akong ini-invite na kahit sino sa school. 

Nakakainis talaga si mommy dahil siya naman ang may gusto ng party ko. Ayaw ko naman kasi nang ganung engrande kasi wala naman talaga akong ganoong ka-close. 

Wala akong kinakaibigan sa school. Mas gusto ko ang mag-isa pero active naman ako sa klase. 

Nakita kong post ng status si Kuya Warren sa Facebook. 



Will be going back to my own country, Phil.

.

Ang dami agad nag-like kahit five minutes ago pa lang ang nakakalipas. Madami din kasi siyang friends na mga Pilipino kahit sa Canada na siya nag-aral at tumira. 

Sige na nga, first time ko gagawin 'to. Ila-like ko ang post nya. 

CLICK!

Mabilis akong nag log-out sa facebook sa ginawa ko. Wew! Hindi ko alam kung bakit sobrang nahihiya ako. Ang weird lang talaga.

Saturday... 

Happy Birthday to me! 

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon