ILY-17: Date

22.4K 437 38
                                    


Follow me on twitter: @imericacruzat
Add me on facebook: Crunchh WP

==

Bwisit talaga si Michael Yoson Silvestre! Isang linggo na ang nakakalipas mula nang sinabi nya na nililigawan nya ako kay Ella.

Believe me, gustong gusto ko syang sapakin that time! Nagpapaliwanag ako kay Ella na nagbibiro lang talaga si Miyo pero hindi siya maniwala. Akala nya na pilit kong itinatago yung samin ni Miyo dahil natatakot ako sa kapatid ko kaya sinabi nya na huwag akong mag-alala dahil hindi daw  nya sasabihin.

"Miyo! Nakakainis ka naman eh! Bakit ba kasi sinabi mo yun?!" parang wala siyang naririnig at patuloy lang sa pagkain ng kanyang hamburger.

Sa sobrang inis ko dahil hindi nya ako pinapansin ay malakas kong iniligay ang palad ko sa lamesang kinakainan nya. Napatingin ang ilang tao sa pwesto namin.

"Hayaan mo na.." sabi nya matapos maubos ang kinakain. Uminom pa siya ng tubig.

"What the hell are you thinking?! Are you freaking out of your mind? You know that Ella and my brother are friends. Hindi nga natin alam kung higit pa dun. Paano kung magsalita si Ella sa kapatid ko at akalain talaga ni kuya na nanliligaw ka?"

"Sinabi naman nyang hindi nya sasabihin diba?"

"Akala ko ba gusto mo sya--"

Tumayo lang siya at kinuha ang aking kamay.

"T-teka! San tayo pupunta?"

"Sumama ka na lang!" sabi nya kaya dumiretso kami sa parking lot kung saan naka park ang big bike nya. Agad siyang sumakay.

"Sakay." sabi nya sabay abot ng helmet.

Nagulat ako kung saan ako dinala ni Miyo. What the hell? Sa isang restaurant?!

"Anong ginagawa natin dito?"

"Kakain." pumasok na siya sa loob kaya sumunod ako. Inasikaso kami ng mga tao dun.

"Hindi ako nabusog sa kinain ko kanina Nakakasawa na ang pagkain sa cafeteria!"

"Akala ko naman kung saan tayo pupunta! Kakain lang pala!"

Tiningnan niya ako ng seryoso. Pagkatapos ay tumingin siya sa katawan ko.

"Ang payat mo.. kumain ka nga! Papatabain kita." sabi nya sabay smirk.

"Mabilis ang metabolism ko kaya ganito ako ano? Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ako kumakain."

Kumain na lang kami. Syempre kasama din ako. Alangan naman na hindi ako kumain.

"Pwedeng magtanong?" sabi ko pero hindi naman siya tumitingin. Mabilis lang siyang kumakain.

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon