Wakas

22.3K 603 111
                                    

Thank you for reading this story. Magkita tayong lahat sa sunod kong story, MY LUKE. Nasa profile ko dito sa Wattpad. You can follow me here for more updates. Kung gusto nyo lang. kekeke~

Babala: SPG ng kaunti lang :p

==

"Nasagutan mo na ba ang yung Activity number 26, Xyren?" tanong ni Brenda. Naging magka-blockmates na kami ngayong 4th year. Nakakatuwang isipin na dumami na rin ang kaibigan ko ngayon. Hindi na ako takot humarap sa mga tao. Masarap pala yung madaming kaibigan kaysa sa mag-isa.

"Oo. Yung sayo nasagutan mo na ba?" tanong ko sa kanya pagkaupo nya sa tabi ko. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko na sina Lea, Shasha, Janine at syempre si Brenda na kadadating lang.

"Hindi nga eh. Ang dami ko kasing ginawa sa bahay. May sakit pa si Mama kaya walang nag-iintindi kundi ako lang."

Ibinigay ko sa kanya ang book ko para mapagkuhanan niya ng sagot. Matalino si Brenda at ito ang kauna-unahang beses niyang kumopya sa akin. Naiinindihan ko naman siya kung bakit hindi niya nagawa.

Katatapos lang namin kumain ng lunch. Inalok namin si Brenda pero sabi niya ay kumain na raw siya sa labas. Naglabas si Lea ng magazine. Heto na naman sila. Bumili sila sa pagpapatasya sa mga lalaking modelo.

"Grabe! Gaano kaya katagal nila bago na-work-out yung abs nila? Sht! Nakakapaglaway talaga!" ani Lea na itinuturo pa kina Janina at Shasha yung abs.

"Ito yung crush ko! Gwapo ano?!" Tumili si Shasha nang makita ang sunod na pahina.

"Si Luke Anthony Trias? C'mon! Taken na yan!" sabi ni Janine.

"So what? I still like him. Siya ang isa sa mga sikat na celebrity ngayon. I don't care kung napapabalita siya sa aktress na si Jasmine Du." 

Napailing na lang ako habang tumatawa. Si Brenda ay nakangiti habang kinokopya yung mga sagot ko sa book niya. Siguradong nakikinig din siya sa usapan nina Lea.

"Eh ikaw, Xyren? Kumusta naman dahil nahahawakan mo ng live ang abs? Anong pakiramdam?" Nag-init ang pisngi ko sa tanong ni Shasha. Nakangisi silang lahat sa akin maging si Brenda na tumigil sa pagsusulat dahil lang sa pag-aabang ng isasagot ko. "Mabuti ka pa. Kami kasi hanggang magazine lang."

Tumingin ako sa relo ko at saka tumayo. 

"Ano? Tara na? Male-late na tayo sa LBO." Mas lalong lumaki ang ngisi nila. Itinuloy muna ni Brenda ang natitirang sasagutan saka sila tumayo at tumabi na sa akin. Siniko pa ako ni Brenda.

"Ikaw ha? Masyado kang excited!" Nagtawanan sila at ilang beses pa akong kinulit hanggang sa makarating na kami sa class room namin.

Siniko na naman nila ako nang makita ko si Warren na nakangisi sa amin at mukhang kanina pang naghihintay. Bumulong si Brenda sakin, "See? Hindi lang ikaw ang excited. Pati yung asawa mo!" Mahina silang nagtawanan kaya tahimik na lang akong umupo sa aking silya. Inabot pa sa akin ni Brenda yung book ko na hiniram niya kanina.

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon