ILY-18: Sa pula, sa asul

23K 457 37
                                    


Dedicated to my co-mentor sa Protege Wattpad contest, writerwannabe! Thank you for that wonderful comment. Mas ginaganahan ako mag update kapag nalalaman ko na na aappreciate nyo itong story ko.

I also dedicate this chapter to sexybabeko na gumawa ng bagong cover ng ILY, kuya. Thank you!

Follow me on twitter: @imericacruzat
Add me on facebook: Crunchh WP
==

Nasorpresa na naman ako sa ginawa ni Miyo. Ginawa niya akong date na hindi man lamang ako tinatanong for Pete's sake! Siya yung may birthday at anak siya ng mayamang businessan tapos ako yung date niya? Natatakot ako pag usapan ng mga tao roon. Baka isipin nila na may something sa amin ni Miyo.

Aish! Hindi naman ako dapat sasama pero naisip ko na utang na loob pa din namin ni kuya yung nangyari noon sa parking lot ng mall. Buti na lang at napigilan niya ang pinsan niyang si Leo. Psh! Mga gangster ata sila.

Ngayon na ang huling araw ng pasukan dahil sembreak na at bukas na din ang birthday ni Miyo. Naipasa ko na din ang project kong dream house. Sana lang mataas ako dun dahil pinagpuyatan ko yun kagabi.

Naglalakad na akong palabas ng gate ng school nang makita ko si kuya Warren na nakasandal. Naka crossed arm lang siya habang nakatingin sa sahig. Parang hindi niya alam na kanina pa siya pinagmamasdan ng mga babae.

"Grabe.. ang gwapo nya talaga. Ang swerte ng girlfriend niya." sabi ng isang babaeng nakatingin kay kuya. Nakita ko naman na kinukuhanan ng kasama niya ang kapatid ko. Psh!

Mabilis akong naglakad palapit kay kuya. Wala naman siyang imik nang makita nya ako. Dumiretso lang siya sa driver's seat.

"Daan tayo sa mall." sabi ko nang makasakay na ako. "Wala pa akong damit na susuotin para bukas. Meron ka na ba?" I saw he clenched his fist.

"Meron na. Madami naman akong damit from Canada na hindi pa naiisuot." sabi nya sabay buhay sa makina.

Nagpaalam naman si kuya na pupunta muna ng restroom. Sa halip na maghintay ako sa labas ay dumiretso ako sa department store. May naisip na akong pwedeng iregalo kay Miyo pero maghahanap pa ako ng iba.

Naghanap lang ako sa loob ng Department Store pero wala talaga akong makita kaya mag stick na lang ako sa una kong naisip na regalo. I bought a black leather jacket na may pulang design. Mukha naman siyang mahilig dito kaya ito na lang. Katatapos ko lang magbayad sa cashier nang tumawag si kuya. Tinanong nya kung nasaan ako kaya sya na yung pumunta sakin.

"Bumili ka na ng damit? Dapat hinintay mo ako para makita ko."

"Huh? Hindi.. Regalo ko ito kay Miyo."

"Tara na nga! Maghanap na tayo ng damit mo." Nauna na siyang maglakad habang nagkakamot ng ulo. Problema nun?

Tumakbo naman ako para makasabay sa kanya. Pumasok siya sa isang boutique.

"Maupo ka na lang. Ako maghahanap ng damit mo."

"Huh? Bakit ikaw?"

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon