ILY-08

26.7K 591 74
                                    

It's Saturday! Masayang umaga na walang bubulabog sakin at susunod! Yes! Ang sarap ng walang pasok! Wohooo! Bumaba ako at pumunta sa living area. Dumapa ako sa mahabang sofa at dinama ang masayang araw na ito. Ramdam ko na nasa living room din si Kuya dahil ng mga yabag ng paa niya.

“Bakit ganyan ang itsura mo dyan?” Umayos ako ng pwesto at nakita siyang kumakain ng tinapay. Inalok niya ako nun pero tumanggi ako. Hindi na niya ako inalok muli. Seryoso siyang kumakain at hawak yung cellphone niya. Napangiwi ako nang makitang may katext siya. Ilang sandali pa ay may tumawag na sa kanya.

“Oh, hey! Good morning.” Niyakap ko yung throw pillow habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. “Sure. Bukas na lang natin ituloy yung date natin.”

Napanguso ako sa narinig. Kung ganoon pala ay kausap niya yung babaeng makaka-date dapat niya. At ngayon ay itutuloy na nila!

Pinakinggan ko lang ang usapan nila. At nang mapansin niya na nakikinig ako ay lumabas siya ng bahay. Sinilip ko siya sa bintana pero hindi ko siya nakita. Marahil ay nasa garden siya na nasa gilid ng bahay. Bwisit! Bwisit na babaeng yun! Sino ba yun?! Nakilala lang niya sa park date agad? Why so playboy? Akala ko ba pass muna siya sa mga babae pero bakit ganun, nagsisimula na naman siya. Nakasimangot akong lumabas para puntahan siya.

“Kuya!” Lumingon siya sakin at ibinaba nang kaunti yung cellphone niya. Nakaawang yung bibig niya at may mukhang nagtatanong kung 'bakit' ko siya tinawag. Damn it! Bakit ang gwapo niya?

“Naiwan ko ang cellphone ko sa kotse. Pahiram ng susi!”

“Bakit ka sumisigaw? Agang-aga ah?”

“Basta!”

Hinagis niya sakin yung susi at bumalik na ulit sa kausap niya. Ni hindi man lang niya ako pinansin. Psh! Maghahanap ako ng katext!

Pumunta ako sa labas ng bahay kasi hindi naigarahe ni Kuya sa loob ang kotse. Ang tamad niya. Lagot talaga siya kay Mommy kapag nanakaw ang sasakyan namin.

“Bwisit! Bwisit!” sabi ko nang makalabas ng gate. Binuksan ko yung kotse at hinanap yung cellphone ko. Maghahanap ako ng katext! Isinara ko yung sasakyan at ni-lock. Sumandal ako sa may pinto at nag-browse ng contacts.

Nakagat ko ang labi ko nang makitang dalawang tao lang pala ang naka-save na number sa sim ko, kay Mommy at kay Warren. Wow! Kamusta naman ang contacts ko? Pambihira! Ano ba naman na buhay ito?!

“Agang-aga nakabusangot ang mukha mo dyan.”

“Eh wala kasi makatext eh!” Nag-pout pa ako habang tinitingnan yung cellphone ko. Naalarma lang ako nang malaman ko kung sino pala yung kausap ko. “Anong ginagawa mo rito?!”

“Wow Payatot! Agang-aga sinisigawan mo ako? Ang sama mo naman!”

“Hoy Miyo! Sino nagsabi na pwede ka pumunta rito?”

“Eh 'di ba sabi ko see you tomorrow? Ano ba ngayon? Ngayon yung tomorrow na sinasabi ko. Pati pinapasok naman ako nung guard nang village eh. Nakilala siguro yung plate number nang bike ko.”

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon