Chapter 16

735 23 14
                                    

© Shupershimmer

Kinaladkad ni Vannessa ang kamay ni Therese na parang sako ng basura lang ang dala-dala niya. Gusto sanang bumitaw ni Therese pero hindi niya magawa dahil feeling niya maiiwan ang mga daliri niya sa kamay ni Vannessa sa sobrang higpit.

“Vannessa, sa’n mo ko dadalhin?” pababa pa rin sila ng hagdanan. “Vannessa! Ba’t mo ginawa ‘yon!”

Walang imik ang lola mo.

“Vannessa! Hindi mo dapat siya sinapok ng itlog! Allergic nga siya diba?” namumula na ang mukha ni Therese—medyo may uhog-uhog pa—at hinarap siya ni Vannessa.

Napakagat-labi si Vannessa sa sobrang pagkabadtrip sa narinig niya. “WHAT? Siya pa rin ang inaalala mo ngayon? Pasalamat ka nga nailigtas ko dangal mo sa mokong na ‘yon, e.”

“Hindi mo kailangang gawin ‘yon!” pumiglas na si Therese. Nabigla ang mga papaakyat na estudyante at napanganga. “Pinahiya mo siya kanina, e!”

In-adjust ni Vannessa ang eyeglass niya sabay buntong-hininga.

“Ginawa ko ‘yon para sa’yo.”

“Ginawa mo lang ‘yon dahil gusto mo, Vannessa. Alam ko namang mainit ang dugo ninyo sa kanya, e. Pero mahal ko yung tao, hindi mo sana ginawa ‘yon. Magkaibigan tayo, diba?”

Napakurap naman ang mga pababa sa hagdan.

“Pwes, ako ang friend na hindi ka bibigyan ng batong ipupukpok sa ulo mo. Bahala ka, balikan mo ‘yung uhugin mong ‘boyfriend’” Naiinis na sabi ni Vannessa habang ginagawa ang imaginary quotation marks.

“Ano ba…”

“Don’t say you weren’t warned.”

Dumiretso si Vannessa pababa sa ground floor at nagmadaling puntahan ang clinic—isa na namang problema. Pagpasok niya, nabigla pa siya sa presence ni Albert na nakaupo sa bedside kausap si Julia.

“Hi,” bati niya kay Albert. Tumango lang siya.

“Hi, Vannessa,” Julia said, smiling.

“Okay ka na ba?” tanong niya sabay tingin sa cold compress na hawak ni Julia sa noo niya. “That seems so bad.”

“I’m… fine.”

“You sure?” lumapit siya kay Julia. “Na-announce kanina na canceled ang last subject natin. Gusto mo nang umuwi? Dala ko kotse ko, ihahatid kita.”

Napailing agad-agad si Julia at nadiinan niya ang hawak niya sa noo.

“No… ouch!”

“Stupid,” bulong ni Albert pero narinig ‘yon nila Julia at Vannessa.

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon