Kabanata 16

1.3K 41 27
                                    

Kabanata 16

Nicole

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Cole?"

Bahagya kong tiningnan si Clover. Bakit ba hindi ko agad nakita ang malaking pagkakahawig ng itsura nilang dalawa? Ang hugis ng mata nila na parehas ngunit magkaiba ng kulay. Ang hugis ng mukha. Ang ilong. Masyado akong tumutok kay Ian or Caiden or kung ano pa mang pangalan nya at nakalimutan ko nang bigyang importansya ang ibang bagay.

Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa tuwing maalala ko sya. Malapit na syang ikasal. Isipin ko pa lang na may iba syang pakakasalan ay gusto ko nang umiyak pero hindi ko magawa dahil sa umpisa pa lang wala na akong karapatan. Kailangan kong maging matatag hindi. para sa akin kung hindi para sa batang dinadala ko.

"Cole? Are you alright?"

"Ha? Oo. Maayos naman ang pakiramdam ko. Salamat. Gusto ko nang mag pahinga ulit."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag lungkot ng mukha nu Clover. Hindi madaling magpatawad. Hindi madaling tanggapin na niloko ka ng mga taong itinuring mong pamilya. Mga taong pinapasok mo sa buhay mo ng walang kahit na anong tanong pero nagawa ka pa ring lokohin. Alam ko mapapatawad ko rin sya sa paglilihim nya sa akin ng totoong relasyon nila ni Ian sa akin at sa ngayon gusto ko munang maghilom ang sakit sa puso ko dahil sa nalaman ko. At mas pagbibigyan ko ng importansya ang bata sa sinapupunan ko.

"Kung may kailangan ka don't hesitate to call us. Duon lang kami sa living room."

Tumango ako sa kanya ng hindi sya tinitingnan. Ayaw kong tingnan sya o kahit sulyapan man lang kasi alam ko masasaktan lang ako. At ma-sstress. Hindi pwede dahil ang baby ko ang mapapahamak.

Niyakap ko ang impis kong tyan. Ang baby ko ang blessing sa akin. Despite sa lahat ng mga pinagdaanan ko sya lang ang blessing. Hindi ko lubos maisip kung matagal na bang nakaka alala si Ian o bago lang. Kaya ba hindi na sya umuwi mula ng sinabi nyang aalis sya ay dahil muli nang nagbalik ang ala ala nya? Marami akong katanungan na alam kong sya lang ang maaring makasagot.

Sana kung nanumbalik na muli ang ala-ala nya sana naman ay nagawa nyang sabihan ako. Kung sabagay sa ganda at yaman ng mapapangasawa nya sino nga ba naman ako na hamak na isang mahirap lamang.

"You're crying again. Its not good for your baby."

Pinunasan ko ang pisngi ko at hindi pinansin si Kale. Isa sya sa dalawang lalaki na palaging kasama ni Clover. Hindi ko alam kung anong koneksyon nila pero palagi silang magkasama na tatlo. Hindi ko naman masabi na bodyguard dahil ayon naman sa kanya anak mayaman din sya at wala naman sa itsura nilang dalawa nuong Guiseppe dahil parehas silang gwapo. Mga papasa nga silang modelo.

"Gusto ko nang magpahinga."

"Alright."

Muli kong pinikit ang mga mata ko at tuluyang kinain ng antok.

>>>

"She looks sad. But at least she's not crying anymore."

"Alangan namang tumawa sya. Think Kale, you are dumb, boy."

"Fuck you! Guiseppe. I'm going to tell Ninang about your porn collection."

"As if she'll get mad."

"Hey you two, stop it. Baka magising si Cole. She needs to rest. Barilin ko kayo parehas eh."

"Shh!"

Nakapikit ang mga mata ko pero gising na gising na ang diwa ko. Kanina ko pa pinakikingan ang mga pagtatalo nila pero wala akong balak na makisali sa usapan nila. Tanging gusto ko lang ay maging tahimik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love knows no boundariesWhere stories live. Discover now