Kabanata 13

720 37 2
                                    

           

Kabanata 13

Nicole

"Anne..."

"Ate!"

Yumakap sa akin si Anne at umiyak. Naaawa ako sa kanilang mag kakapatid. Ilang araw na silang walang humpay sa pag iyak. Halos isang lingo na rin na wala si Alena at hindi naming Makita. 

"Hush... babalik rin ang ate mo. Malay mo m-may pinuntahan l-lang sya."

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang pag-iyak. Kahit ako ay nagaalala para kay Alena. Tanging iniwan nya lang ay sulat na nagsasabing wag na namin syang hanapin at babalik rin sya sa tamang panahon. Nakakainis sya. Ano akala nya sya si lola nidora ay may tamang panahon pa syang nalalaman.

"Pero kelan po? Papaano na po kami? Napagod na ba si ate sa pag aalaga sa amin kaya iniwan na nya kami?"

Nahabag ako kay Andrea. Mugtong mugto na ang mga mata nila kaya lang wala naman akong magawa para sa kanila dahil kahit ako hindi ko na alam kung saan sya hahanapin.

"Mahal na mahal kayo ng ate nyo. Alam ko kung ano man ang nangyayari may rason kung bakit. Sa ngayon hindi natin alam pero kapag nakita natin ang ate nyo itatanong natin yan sa kanya. Wag kayong mag-alala hinding hindi kayo papabayaan ni ate."

Kung nasaan man si Alena alam ko may rason sya kung bakit nya iniwan ang mga kapatid nya. Mahal na mahal ni alena ang mga kapatid nya kaya sigurado ako mabigat ang rason nya.

"Nakakahiya po ate... ipadala nyo na lang po kami sa DSWD para po hindi na kayo mahirapan sa amin."

Pinalo ko si Anne dahil sa sinabi nya. Bumigat ang pakiramdam ko. "Kahit mahirapan ang ate hindi tayo magkakahiwalay. Nandito kami ni Kuya Ian mo para sa inyo. Wag na wag mo na ulit isipin yan!"

"What's going on here?"

Nakayakap pa rin sa bewang ko ang mga bata ng nilingon ko si Ian sa pintuan. Kakadating nya pa lang galing sa pinagtatrabahuan ni Alena. Nakaramdam tuloy ako ng awa ng Makita ko ang pagod sa mukha nya.

"Sorry. Nagwawala na naman kasi si Andrea. Akyat ka muna at magpalit. Ayusin ko lang ang mga bata." Apologetic na tumingin ako kay Ian. Lumapit sya sa amin at ginulo ang buhok ni Andrew at Andrea.

Bumuntong hininga si Ian at tumabi sa akin. "Let's talk, Cate. I have important to tell."

Napabuntong hininga ako. "Anne, sa kwarto muna kayo. May paguusapan lang kami ng kuya Ian nyo."

Sumunod naman sila agad. Parang kinakabahan ako sa sasabihin ni Ian. Naupo sya tapat ko. Which hindi nya ginagawa. Napalunok ako dahil mukhang seryoso ang paguusapan namin.

"I talked to her boss and it has been months since she was fired."

Kumunot ang noo ko at naguluhan. "Fired? Eh ang alam ko nagsara na yun ah?"

Turn naman ni Ian para kumunot ang noo. "Nagsara? No, it's not. It still operating and yeah, she got fired 5 months ago."

Kung limang buwan na syang walang trabaho, saan nanggagaling ang perang binibigay nya sa mga kapatid nya? Nakakagulat dahil may pera syang binibigay sa mga kapatid nya. Hindi na ako nag tanong pa ng sinabi nyang galing ito sa mga tip sa kanya bilang waitress.

"Wala ba silang sinabi kung saan nagtatrabaho na si Alena?" Umiling si Ian. Wala na akong idea kung saan hahanapin si Alena.

Napa subsob ako sa mga palad ko. Ilang araw na kaming naghahanap mabuti na lang at patapos na ang pasok ng eskwela kaya kahit hindi na kami magsipasukan ng mga bata ay ayos lang.

Love knows no boundariesWhere stories live. Discover now