kabanata 4

1.4K 47 3
                                    

Kabanata 4

Nagpalit lang akong damit saka ko dinala ang bilao ng mga paninda namin, tutulungnan nya pa sana ako sa pagbubuhat kaso alam ko naman na hindi pa pwede dahil hindi pa magaling ang mga kamay nya kaya tumawag na lang ako ng tricycle.

Nagprepare na ako ng paninda namin. Hanggang gabi na kami rito dahil meron na rin kaming tindang barbeque. Kapag nakaipon ako gusto kong magtayo ng sarili kong restaurant di naman siguro masamang mangarap.

"Do you need help?" Sino pa nga ba kung hindi si Mr. Sungit.

"Kaya ko na 'to upo ka lang dyan."

Maliit lang ang pwesto namin rito malapit sa palengke at eskwelahan. Inuupahan ko 'to isang libo isang buwan hindi na masama kasi magandang parte naman marami ang nabili sa amin at saka malinis pa dito kumpara sa iba.

"Where are your parents Cate?" Napahinto ako sa ginagawa ko. Sya lang ang tumatawag sa akin ng Cate dati sila Mama at Papa pero ng namatay sila hindi ko na narinig ulit na tinatawag ako sa ganung pangalan kaya kapag sinasabi ni Ian na Cate nalulungkot ako.

"Nasa malayong lugar na." Bumalik na ako sa pagpaparingas ng uling.

"Where? And bakit mag isa ka lang dito? Hindi mo naman kapatid sila Lena right?"

Marahas akong napalingon sa kanya at napangiti. "Wow! Marunong ka palang managalog?! At in fairness ang haba ng sinabi mo haha! Dapat i-celebrate yan." Halos mapapalakpak ako sa kanya pero sya sinimangutan nya lang ako.

"You're not answering my question. And yes I know how to speak in our local dialect." Nakasimangot na naman na sabi nya.

Napabuga ako ng hangin. Pinagpatuloy ko lang ang pagpaypay at hindi sya nilingon. "Mag- isa na lang ako wala na sila. Parehas silang namatay sa isang aksidente pitong taon na nakakaraan. Simula noon magisa na lang ako sa buhay. Sila Lena naman halos magkasunod lang kayo ng tumira sa bahay, pinalayas kasi sila sa dati nilang tinitirahan. Hala! Tama na drama baka hindi tayo makabenta."

Nabasag ang boses ko at agad na pinunasan ang pisngi ko nang may pumatak na luha. Ayaw kong makita nyang naiiyak ako. Ayaw ko ring isipin ang malulungkot na bagay.

"I'm sorry." Sinsero nyang sabi.

"Wala yun." Pilit kong pinasisigla ang boses ko saka ngumiti ng pagkatamis tamis sa kanya. Gumanti rin sya ng ngiti sa akin.

Kapag si Ian ang kasama mo asahan mo na matutuyuan ka ng laway dahil hindi sya magsasalita lalo na kung hindi mo kinakausap. Lahat ata ng babae na makakakita sa kanya eh kulang na lang yakapin sya at halikan at kung makatingin eh akala mo mga rapist.

Kada magagawi ang mata ni Ian sa mga kababaihan asahan mo na ang mga pag-ngiwi nya. Hindi rin sya umaalis sa pwesto nya kung saan nahaharangan sya ng lamesa na para bang panagga nya ang lamesa sa mga babaeng magtatangkang lapitan sya.

"Isang isaw, dalawang baboy at saka isang halik sa gwapo." Natawa ako sa bumibili si Ian naman mukhang badtrip na.

"Taken na sya miss, sorry." Ang alam ng mga tao boyfriend ko si Ian.

    Pinalabas na lang namin na nobyo ko si Ian. Bahala na kung ano ang isipin ng mga tao ang mahalaga lang naman sa akin ay matulungan ko sya at kung gumaling na sya ay aalis naman an sya. Hindi ko rin naman maaring sabihin na kamag-anak ko si Ian lalo na at alam naman ng halos karamihan sa amin na walang may gustong tumulong sa akin. At saka kakilala ng karamihan ng tao rito ang buong pamilya ko.

"Ay sayang. Pero pera biro ang gwapo day ng jowa mo! Kapag ayaw mo na sa kanya saakin na lang sya ha!" Naiiling na lang ako habang nakangiti ng peke.

Love knows no boundariesWhere stories live. Discover now