Kabanata 12

787 27 3
                                    

Kabanata 12

Cate

    Ian
    I won't be home for next couple of days. Lock the door always and keep safe. I love you.

    "Ang lalim naman ng buntong hininga mo ate."

    Nilingon ko si Anne at bahagyang ngumiti sa kanya. Naupo sya sa tapat ng upuan ko.

"Nagawa na ba ninyo ang mga assignment nyo? Salamat sa paglilinis kanina."

"Sabi na kasi sayo ate kami na ang bahala dito. Hindi naman po mabigat ang paglilinis ng bahay. Nakaluto na rin po ako ng pagkain."

"Salamat. Pasensya na at hindi ko kayo natutulungan. Marami kasing ginagawa ang ate. Para makabawi ako gusto nyo ba ng pizza?"

"Opo ate!"

Natawa ako ng may mabilis na sumigaw galing sa loob. Pinanlakihan ni Anne ng mata ang dalawang nakababatang kapatid.

"Mahiya nga kayo! Wag mo silang intindihin ate. Okay na po kami."

Inakbayan ko si Anne. "Bihis na kayo. Kain tayo sa labas."

Napangiti ako ng magtatalon ang mga bata. May konti naman akong naiipon dahil lahat ng sweldo ni Ian binibigay nya sa akin. Na-aawa nga ako sa kanya dahil wala syang kinukuha na pera except sa gusto nya lang na ako ang magluluto ng tanghalian nya na babaonin.

"Wala po si Kuya?"

"Hindi raw makakauwi si Kuya. Nasa out of town sya kasama ang boss nya."

Kinurot ko ang pisngi ni Andrew. Masyado syang malapit kay Ian kaya kapag nawawala si Ian nalulungkot sya.

"Uuwi rin si Kuya mo. Dali bihis na."

Mabilis silang nagbihis. Simula ng lumipat sila rito sa bahay malaki na ang pinagbago ng katawan nila. Maayos ayos na ang pangangatawan nila maski si Alena nagkakalaman na.

"Ang sarap ate! Tapos may fried chicken pa!"

"Kain lang ng kain. Alena?"

Mukha pang nagulat si Alena sa pagtawag ko. Nakatitig kanina sya sa pizza na para bang may mahalaga silang paguusapan na dalawa.

"H-ha?" Wala sa wisyong sagot ni Alena sa akin.

"Ano ba pinagmi-meetingan nyo ng pizza? Mukha kasing seryoso pinaguusapan nyo."

"Baliw." Mahina lang syang tumawa at sinimulang kainin ang pagkain sa plato nya.

Ramdam kong may problema si Alena pero kung hindi pa sya handang sabihin kung ano, maghihintay na lang ako.

"Cole!"

Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganung pangalan. Paglingon ko tama nga ako. Si Clover. Halos isang lingo na rin nuong huli syang nag message kaya akala ko nakalimutan na nya ako.

"Clover."

Yumuko sa akin si Clover at bumeso. "Oh you have companies. Hi! I'm Clover." Kumakaway na sabi nya pa sa nakatulalang magkakapatid.

"Upo ka. Sya nga pala si Alena ang pinaka ate nila. Si Anne, Andrew and Andrea. Magkakapatid sila. They are my friends. Ano palang ginagawa mo rito sa probinsya namin?"

Humaba ang nguso ni Clover. "I'm pissed with my brother. Hello every one. I'm her new friend. Waiter!" Mabilis na lumapit sa amin ang waiter at tulad ng magkakapatid ayun nakatulala. "Give us 2 of large pizza, mac and cheese, pineapple juice and another chicken for all of us. That's all. My treat."

Love knows no boundariesWhere stories live. Discover now