Kabanata 5

1.2K 43 0
                                    


Kabanata 5

"What is the capital again of Australia?"

"Canberra po." Andrew

"Good. Always remember that the capital of Australia is Canberra not Sydney okay? How about Switzerland?"

"Bern po!"

"Very good. You learned fast."

Nakakatuwang pagmasdan si Ian, Andrea at Andrew talagang enjoy na enjoy sila sa pagaaral. Maraming alam si Ian. Maski kahit ano ata ang itanong sa kanya kaya nyang sagutin ng walang kahirap hirap. Para syang walking dictionary.

Pagdating sa mga bata mahaba ang pasensya ni Ian at kahit paulit ulit pa sila sa pagtuturo o kahit abutin pa ng gabi okay lang sa kanya. Wala kang maririnig na reklamo pero pagdating kay Lena palagi silang nagaaway. Para silang si tom at jerry.

"Ang talino ni Ian no?" Alena.

Nagtatakang tiningnan ko si Alena. "Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"

"Oo nga. Kasi dahil sa kanya hindi mo natupad ang pangarap mo." May tono ng pait na sabi nya.

"Lena." Sabi ko sa kanya.

"Fine! Sorry na. Naiinis lang ako kapag naalala ko yun pero tapos na yun kaya okay na. Pasensya na."

Naiiling na lang ako at binalik sa pag tutuhog ang ginagawa ko. Dahil malakas na ang banana que-han namin pati barbeque pinatigil na ako ni Ian at Alena sa paglalaba at pagp-plantsa. Yuon lang ata ang bagay na napagkasunduan nilang dalawa ng hindi nagaasaran o nag-aaway.

Kahit na labag sa loob dahil sayang ang kikitain itinigil ko na hindi rin naman ako tinigilan ng dalawa hanggat hindi ako pumapayag.

"Ian sasama ka later sa pwesto?" tanong ko kay ian pero hindi na ako nagabala na lumingon.

"Yeah. Why?"

"Ay peklat!" shete! Sa gulat ko kay Ian na nasa likuran ko na kaya ayun naitusok ko ang stick sa daliri ko kaya eto ngayon madugo na ang kamay ko.

"Damn! Shit! Your finger, it's bleeding!" Kinuha nya ang kamay ko at bigla na lang akong hinatak papasok sa kusina.

Nilingon ko pa sila Lena at Anne na parehas na lalaglag ang panga sa nangyari bago ako tuluyang madala ni Ian sa lababo.

"Okay lang ako Ian maliit lang 'to na sugat." Pilit ko pang inilalayo sa kanya ng kaunti ang kamay ko. Maliit lang naman na sugat 'to malayo sa bituka. Madugo lang talaga dahil kamay ang natusok.

Napatitig ako sa kanya ng makita ang nagaalalang mukha nya. Nakatutok lang sya sa kamay ko na sige pa rin ang dugo kahit na nakatapat na sa faucet.

"I'm sorry Cate. It's my fault." May lungkot ang boses na sabi nya.

Ngumiti ako ng makita ang reaksyon ni Ian na aligaga sa paglilinis ng sugat ko.

"Okay lang ako. Malayo 'to sa bituka. Pero bituka ng manok ang tinutuhog ko hehe. Wag mo kasi akong ginugulat alam mo naman na magugulatin ako." humagikgik ako ng makiliti ang kamay ko. Malakas pa naman ang kiliti ko kahit saan.

Nagtatakang tiningnan nya ako tapos kiniliti na naman ang kamay ko. Ngumisi sya ng mapagtanto na may kiliti ako sa kamay.

"Stop! Nakikiliti ako." Malaki ang ngisi nya ng agad kong nilayo ko sa kanya ang kamay ko at itinago sa likod ko.

Love knows no boundariesWhere stories live. Discover now