Chapter Ten

583 30 15
                                    

Chapter Ten

Lucas and I both agreed to meet and talk in my house. Hindi ko alam kung anong reason niya pero gusto kong doon kami sa bahay ko mag-usap. In case na ‘yung pag-uusap na ito ay hindi maganda ang kakalabasan, I won’t drive myself pauwi. That would lessen the possibility na may mangyaring masama sa akin sa daan. You know, mas maganda na ‘yung handa because if this meeting would turn nasty, I’m sure I’d definitely cry my eyes out.

Nauna naman akong dumating sa bahay kaya naman every minute na lumilipas at hindi pa siya dumadating ay mas lalo akong kinakabahan. Mas lalo akong nagpa-panic. Parang gusto ko na tuloy magtago na lang mula sa kanya. Magpakalayo-layo as far as possible. I wonder kung magkano ang plane ticket paalis ng bansa? Hmm. Gaano ba kalayo ang Mexico? Or Arizona kaya?

Nasa ganyang pag-iisip ako nang marinig ko ang pagtunog ng aking doorbell in which – of course – makes me jump, literally. Tiningnan ko ang pinto for a couple of seconds bago humugot ng isang malalim na hininga and exhaled. Kailangan ko ‘yun. Sana lang talaga, kung hindi man kanais-nais ang mangyayari sa pag-uusap na ito, ay di ako mag-breakdown sa harapan niya.

I walked my way toward the door and peeked through the peephole. And again, napabuntong-hininga na naman ako. It’s Luke. Binuksan ko ito and then I saw him. Isa sa pinakaunang napuna ko ay ang pagkawala ng kanyang stubbles. He shaved. Nakaramdam naman ako ng konting disappointment. I kinda like his face with a five o’clock shadow on it. Mas lalo siyang nagiging hot tingnan. Mas lalong nagiging badass.

He looked at me from head to toe. Probably, checking me out. Hindi naman ako nag-abalang mag-ayos sa pag-uusap naming ito. ‘Nung makarating lang ako sa bahay ay naglagay lang naman ako ng konting pabango and then I applied a little bit blush on and a lip gloss. A girl can’t talk to a man without looking presentable kahit pa maaring heartbreak ang magiging ending ng pag-uusap naming ito ‘di ba?

His gaze stopped sa bandang labi ko and I find it hard to resist not to lick my upper lip in front of him. Ano ba yan? Bakit natu-turn on  naman ako. Mag-uusap lang naman kami ngayon. Mag-uusap lang.

I stared at him. Meeting his blue eyes. Nakita ko kung paano naging intense ‘yung tingin niya sa akin. It’s like someone had lit a fire in his eyes. And I was hoping that someone is me. And of course, kung kani-kanina’y di ko man maamin sa sarili ko, ngayon ay di ko na maipagkakailang I was also silently hoping na maging maayos ang takbo ng magiging pag-uusap namin. That I would end up sitting on his lap while he would bury his nose on my hair while whispering sweet nothings.

Dream on, Bee. You don’t want to get your hopes high. Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

“I must say, babe, you look great.” He said, his gaze is still intense.

Nginitian ko siya and I invited him in. So, this is the time. The verdict is coming. Umupo siya sa sofa ko while I stood there, watching him being comfortable in my place. And I kinda like what I saw. Napakakomportable niya sa loob ng bahay ko na akala mo’y dito siya nakatira. It’s like he belong here. He belong in my house. And by my side.

“Bee, babe, what are you doing there? Come here.” Utos niya sa akin. Nang hindi pa rin ako tuminag sa aking kinatatayuan ay siya na ang nagsimulang lumapit sa akin. “Babe, I get it your nervous. I’m fuckin’ nervous myself but I can’t talk to you when you’re five feet away from me.”

I started to walk toward him and met him halfway. That’s when I slammed myself in his chest and hold him like I’d never want to let go. He snaked his arm around my waist while the other holds the back of my head. That’s when I felt everything is okay. It will be okay. As long as I’m in his arms, it’ll be okay.

“Tell me we’re okay.” I heard him say.

Hindi na ako sumagot. I don’t know what to say. I want us to be okay pero hangga’t may mga bagay kaming dapat pag-usapan ay hindi ko pa masasabing okay kami. I need to know everything.

“Tell me everything.” I said to his chest. Di na ako nag-abalang tingnan siya. I buried my nose in his shirt, inhaling his scent. I really missed this. Kahit pa sabihin nating ilang araw lang kaming di nagkikita at nakakapag-usap, namiss ko na siya. I’m really in deep shit.

“I can’t tell you everything, babe. You know that’s confidential.” He said habang akay-akay niya akong naglalakad papuntang sofa.

“Then tell me everything that’s not confidential.” I said, ngayon ay nakaharap na ako at tinitingnan siya ng deritso sa mga mata.

“You already know I worked as a undercover agent.” Pagsisimula niya. Tumango-tango naman ako dahil nasabi na nga niya sa akin ‘yan kaninang umaga. “We thought you had a connection with Scott.” He said then I felt his body became tense. Siguro nga’y nasangkot na naman sa isang gulo si Scott.

“Bakit niyo inakalang I have something to do with Scott? I told you the first time in EK na wala na akong balita sa kanya ‘di ba? Bakit ‘di mo pa rin ‘yun pinaniwalaan.” Sumbat ko sa kanya na puno ng hinanakit.

“Because I’m a cop, babe. Even though what we had that time was beautiful, I still have a job to do. And that is to prove whether you are or you are not involved with Scott. It’s just your words, babe. I deal with evidence. So I had to do what I had to do.”

Hindi na ako nakapagsalita. He’s right. May mga pagkakataon talagang hindi ko nagugustuhan ‘pag siya ang nasa tama.

“But clue in, babe. Kahit minsan hindi ko pineke ang nararamdaman ko tuwing kasama kita. All of it was real. What we had, it’s good. And when I had a taste of good, babe, I don’t want to throw it away. I want it back. I want you back. This time, I’m not Lucky but Luke. You get me?”

That might be the macho-man way of saying he wants to try us again but it’s still sweet. He wants us to be together. For real this time. No more secrets, no more lies.

So I just nodded.

“Now, babe, tell me we’re good.” Hinawakan niya ang leeg ko so I was facing him.

“We’re good.” I agreed. And since sumang-ayon ako, I got a full-blown white smile.

God, he’s gorgeous.

And I am in my happy place.

I Fell In Love with A Poser (Baka Girls #2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon