CHAPTER 45: THE CALM BEFORE THE STORM

54K 2.9K 879
                                    

Chapter 45: The Calm Before The Storm

Mahigit isang buwan din ang nilagi ko sa bahay ni Trap Lennon o Trapezoid Bermudo. Nag-insist si papa na hindi ako aalis sa poder ni Trap hangga’t hindi tuluyang gumagaling ang sugat ko. Lumala kasi iyon nang ilang beses akong kinaladkad ni Palomo, pusanginang hayop siya bakit hindi pa siya nagkapigsa sa pwet!

On my stay, ilang beses kong nakausap si Papa sa boundary hanggang sa muli akong sumakay sa isang capsule at halos pitong araw rin ang pamamalagi ko sa capsule bago nakarating sa Capital. When the capsule stopped, I immediately open my eyes and noticed the place.

Nasa 5th ward ako. 

Hindi ko maiwasang malungkot habang tinitingnan ang lugar. Anarchy hasn’t done any good and it only made people of the Capital become rogue knowing that there are no rules that tell them which is right or wrong.

Nagkalat sa daan ang mga batang gaya ko ay gutom na gutom. Hindi gumana ang strategy ko na kumain ng marami bago umalis dahil paglabas ko sa capsule ay gutom na gutom pa rin ako. Tahimik ang lugar habang naglalakad ako roon hanggang sa dumating ang dalawang malaking sasakyan.

The people came rushing out of their house and formed a line. Eh? Anong meron?

Nang bumukas ang isang sasakyan, may isang lalaking nagsalita. I hide myself among the pile of junks na nakaimbak sa gilid.

“Makinig kayong lahat, hindi kami magbebenta kapag hindi maayos ang pila ninyo!”

The people are very obedient-- to my surprise! Daig pa ng naka-ruler na guhit sa tuwid ng linya nila. Some looks awfully disgusting dahil nakalabas pa ang dila nila na parang aso at excited habang winawagayway ang dalang pera. Some are counting their coins at lahat sila ay tila eager na eager na makabili ano man ang binebenta roon.

I saw a kid around 13 or 15 years old walked on my side.

Hinawakan ko siya sa braso at tinanong. “Excuse me, anong meron?”

“Canned goods at mga frozen products na PRUM 2.0,” sagot niya at pinakita sa akin ang dalang pera.

“What’s with the hype? Wala ba ‘yan sa mga grocery stores?” tanong ko. Mukha akong estranghero dahil sa tagal ng pagkawala ko.

“Saan ka ba galing bakit hindi mo alam?”

“N-nagkasakit ako kaya ilang araw akong hindi umaalis ng bahay,” sagot ko.

Mukhang nauto ko naman siya at tumango siya. “Binebenta nila sa napakamurang halaga at napakasarap pa. Mauna na ako, baka maubusan ako eh, lagot ako kay Mama.”

Nagpasalamat ako sa kanya at binitiwan ang braso niya. I cringed upon the thought of what’s with PRUM 2.0 products.

Bumalik sa alaala ko ang pag-uusap namin ni Papa noong gabing nakaschedule na ang pag-alis ko.

“You know I don’t want you to leave Sunny pero ayaw ko ring pagbawalan ka sa mga gusto mong gawin,” sabi ni papa at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. “You were running for so long now and you’ll never succeed if you stop halfway.”

“Pa, sa tingin mo may pag-asa pa kayang mabago ko ang Capital? Papatayin ko ba si Moran, if that’s what it takes to change it all?”

Tumawa si Papa at ginulo ang buhok ko. “You are too kind to kill people, even the meanest one Sunny.”

Napalabi ako. “Pa konting-konti na lang, mapapatay ko na siya. Umiinit ang ulo ko sa kanya eh.”

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Here’s the thing Sunny. Not because he’s the meanest person you know, doesn’t mean he’s the one responsible for everything. I know Elpidio Moran for so long and I know he’s shitty most of the time pero hindi natin maikakailang may mabuti naman talaga siyang nagawa dati.”

RUN AS FAST AS YOU CAN (Completed)Where stories live. Discover now