CHAPTER 35: PRETTY OUTSIDE

53.8K 2.8K 1K
                                    

Chapter 35: Pretty Outside

"Pentagon don't smile," I gritted my teeth as I simply tell him those words. "At huwag kang magmukhng ignorante." We just walked passed the entrance where the guards checked us and so far wala pa namang nakakapansin na si Pentagon ang kasama ko.

"Kitten, I'm just amazed! Nawala lang ako ng ilang buwan may pa-renovation ng nalalaman ang Capital," he whispered back. "I'll do my best to keep a straight face."

"You really should o dalawa tayong malilintikan."

"Trust me on this Kitten," wika niya at bahagyang tumango sa nakasalubong naming mga fake astronauts.

Nang makalampas ang mga ito ay muli kong siniko si Pentagon. "Don't nod at them, Triangle doesn't do that."

"Eh? Talaga? Ang alam ko si Twin Bro ang pinakamagalang sa amin ah," sagot niya.

"Just walk okay and don't mind whoever we meet along the way."

"You're the boss," he said in a low voice before he smirked as we walked passed the area kung nasaan ang isa sa surveillance cam na nakakalat sa palapag na iyon.

My breathing was fast hanggang sa lulan na kami ng elevator. I pressed the buttons with my shaking hands. We know that the elevator has cameras kaya hindi na rin kami nag-usap ni Gon. Mas nadagdagan ang kaba ko nang huminto ang elevator sa 40th floor at sumakay ang dalawang men in black.

I stood still at their backs at nakiramdam sa mga men in black sa harap. Saka lang ako nakahinga nang maayos nang bumaba sila sa 50th floor. When the elevator door opens, I took a glance from the outside at napansin kong maraming men in black. Ano kayang meron doon?

Patuloy naman na umangat ang elevator hanggang sa marating namin ang 69th floor.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Pentagon bago lumabas. Gaya ng unang reaksyon ko nang mapadpad ako rito, Gon was amazed by the huge posters and pictures around the area.

Naked men and women showing off perfect body proportions, close up captures of perfect faces at kung anu-ano pa.

"This is insane," mahinang bulong ni Pentagon.

"Yup, I know."

Dinama ko ang mumunting sakit na nasa puso ko nang maalala na malaki ang posibilidad na magkikita kami ni Stella-- that if she's not inside the tube, recovering from the damage. Lasing man ako, alam kong malakas ang suntok na pinakawalan ko.

Paano kung nandito siya? Paano namin pakitutunguhan ang isa't-isa?

"Kitten, ayos ka lang?" tanong ni Gon.

I forced a smile and nodded. "Yeah, no problem at all."

Iginiya ko si Pentagon sa pinto na pinasok namin ni Megan dati ngunit nagulat ako nang makitang malaking espasyo lang ang naroon. No single tube or anything around.

What the hell?! Sigurado akong dito 'yon!

"Bakit walang laman ang palapag na 'to?" nagtatakang tanong ko. I checked the surrounding at siguradong-sigurado ako na ito nga ang silid na pinasukan namin ni Megan noong nakaran. I am very sure that this is 69th floor!

"You sure this is the room?" tanong ni Pentagon.

Mahinang tumango ako. Paano nangyari na wala na rito ang mga tubes kung nasaan ang napakaraming babae? The whole area was just an open space. Even the fact na open space lamang iyon ay kahina-hinala. Something must be here before pero nasaan na sila ngayon?

Nilingon ko ang paligid at nakita kong nakababa sa sahig si Gon at kinakatok ang malalaking square tiles ng sahig. "The tubes that you're talking about must be under these tiles Kitten," sabi niya at tumayo. He checked every tile at mas lalo lamang kumukunot ang kanyang noo.

RUN AS FAST AS YOU CAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon