CHAPTER 30: WELCOME BACK

52.4K 3K 1.8K
                                    

Chapter 30: Welcome Back

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kanya. It's the same face that makes me feel irritated at times and sometimes strengthens me.

Mukha pa rin iyon ni Pentagon at nakangisi siya sa akin ngayon. Hindi ko alam kung paano magre-react. Tila may sariling utak ang nga kamay ko at hinawakan ang kanyang mukha.

I felt his skin. My hands traced his cheeks, his temple, his forehead. It's the same face as Triangle minus the pirate smile and sulking expression.

Bumaba ang kamay ko sa kanyang ilong. I felt his pointed nose, down to his grinning mouth.

At tila may sariling utak nga ang mga kamay ko na kusang kumuyom at sa isang iglap ay dumapo sa ilong niya ang isang malutong na suntok.

"Awww!" daing niya. His hands covered his nose and now I noticed it again, his right arm was artificial. A bionic arm. "Hindi ka pa rin nagbabago, Kitten! Gusto mo pa rin ng cariño brutal! Is that how you're supposed to treat twin bro in the future? Kung gayon ay hindi ko babasbasan ang kasal ninyo!"

He winced as his normal hand wiped away the blood on his nose. Biglang nag-unahan ang mga luha ko sa pag-agos.

Pentagon is back. My Pentagon is back.

Niyakap ko siya nang mahigpit at humagulhol sa dibdib niya. I let out all pain that seems to dwell in my chest for a long time now. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng taong magiging kasangga ko kahit gaano pa kahirap ang problemang kakaharapin ko.

I pounded his shoulders as my face was buried on his chest. Puto, what took him so long? Why did he show himself just now? Why did he let me alone for quite sometime?

Hindi ba sabi niya best friend niya ako? And that he'll be there for me at parehas kaming tatakbo sa abot ng aming makakaya hanggang sa maayos namin ang bulok na sistema ng Capital? Pusangina why did he let me cry as I thought that he'll be gone forever?

"Puto kang hayop ka bakit bumalik ka pa! Pusangina ka! Bumalik ka pa talaga!" I mumbled on his chest as my tears flow. Hindi pa rin ako tumigil sa pagsapak sa kanya. He hugged me tightly and I felt his chin on top of my head.

"I'm sorry, Kitten. I will never leave you again," he said in a soft voice.

"Pusangina mo!" I shouted at his chest. Hinayaan ko ang mga hikbi na kumawala sa bibig ko. Gusto ko siyang murahin nang sagad. "Puto ka, Pentagon! Puto ka! Puto ka! Puto miss na miss na kitang hayop ka!"

Mukha na akong baliw sa mga sandaling ito. I was shouting, cursing him for returning but in fact, I am very happy right now. Pero pusangina pa rin niya! Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "I missed you too, Kitten. I missed you so much but damn, kailangan mo ba talagang paduguin ang mukha ko?"

I pulled myself from him and looked at him. He's the same Gon who gave us reassuring smile habang nasa bingit ng kamatayan. He's the same Gon who was with me at the JIC as we waited what tomorrow will bring us.

Ngumiti siya nang matamis at hinagod ang isang kamay sa kabilang pisngi ko. "Sorry, Kitten. I only got one normal hand to dry your tears." Itinaas niya ang kanyang kabilang braso na halos kalahati ay gawa sa carbon fiber at kung ano pa. "I lost my limb."

Hinawakan ko ang kanyang braso kung saan nagdugtong ang kanyang balat at ang carbon fiber. "It must have hurt a lot."

"Not as much as the thought of losing everyone I have," sagot niya. Napatingin siya sa paligid kung saan nagkakagulo pa rin ang mga tao. "Those boxes will not explode but let's better flee from this place out."

RUN AS FAST AS YOU CAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon