CHAPTER 1: WELCOME

115K 4.2K 1.5K
                                    

Chapter 1: Welcome

If something that happened in my life is to repeat, iyon ay ang araw na nakilala ko si Pentagon. I drew a deep sigh bago inihagis sa bangin ang mga bulaklak na dala ko.

Isang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi ko pa rin kinaliligtaan ang pagbisita rito sa bangin bawat linggo. I couldn't say everything is better this time pero kahit papaano ay napanatag ako na hindi na si Moran ang namamahala sa Capital. Following his abdication ay ang kanyang pagkakulong at sinampahan ng patong patong na mga charges.

Si Hilary Moran ang tumatayong in-charge sa Capital ngayong nakakulong si Moran. I want to talk to her and tell her I am her child but part of me don't want to. Call me ma-pride or anything, pero hindi na ako naghahanap ng kalinga ng tunay na ina. Si Mama— na isang android ay hindi nagkulang sa pagpaparamdam sa akin na mahalaga ako. Hilary doesn't have a mother vibes for me. Ilang beses na kaming nagkita pero masasamang tingin ang natatanggap ko mula sa kanya.

The past month isn't enough for the Capital to recover what it lost. Wasak ang malalaking nga gusali at iba pang establisyimento. Wala na ang mga nag-aalsa sa 1st Ward at bumalik na sa kanya-kanyang ward.

"Tara na?" Lumitaw sa likuran ko si Coco. Hawak niya ang susi ng sasakyan at gaya ko ay nakapaghagis na siya ng bulaklak sa bangin.

Pilit akong ngumiti sa kanya bago tumango. We walked towards the car at nang lulan na kami ng sasakyan ay saka lang siya nagsalita.

"Trench bought meat for dinner," wika niya habang nagmamaneho. "AndE did the cooking."

Tumango ako at tumingin sa labas. Thankful kami na sobrang useful ni AndE dahil na rin sa mga updates sa kanyang artificial intelligence.

"Magsisimula na ang klase bukas," wika niya ulit.

Huminga ako nang malalim at tumango. Halos isang buwan rin na ni-renovate at inayos ang Academy dahil sa pinsalang nangyari. They eliminated the bridge program at balik na naman kami sa regular class although we still stay at tht Bldg. 1485 bilang dormitory namin.

"M-mabuti naman," mahinang tugon ko.

"Your request has been granted. Bubuksan ang Academy bukas at iwe-welcome ang mga chance students," paalala ni Coco.

Few weeks ago, noong kinausap kami ni Miss Venna at Jean-Claude tungkol sa magiging ganap sa Academy ngayong si Hilary na ang nakaupo, I requested to reopen the admission at tumanggap ng mga estudyante na kahit hindi pumasa ay desididong mag-aral.

Most of those students are female— na naiintimidate sa mga kalalakihang mapagmaliit. And I was surprised to know na in-aprubahan iyon nin Hilary.

"If Gon is here, matutuwa siya na may mga chance students," wika ko habang nakatingin sa malayo.

"Sunny..."

"I miss him so much Coco," wika ko sa matatag na boses. I spent every night crying, and thinking of Pentagon. Kung malungkot ako ay tiyak kong mas malungkot sina Trench at Triangle.

Trench is always silent pero alam kong mabigat ang pakiramdam niya. He lost a lot of people pero gayunpaman, his sense of responsibility is outstanding. Hindi niya pinabayaan ang kanyang mga tungkulin dahil lamang nagluluksa siya.

On the other hand, Triangle seems different. Tahimik lang siya at palaging aburido. Kung sa tingin ko ay masama ang ugali niya noon, parang nag-kage bunshin no jutsu  ang sama ng ugali niya ngayon! Times two times two times two!

Not that I'm thinking na okay kami pero puto, parang hangin lang ako sa kanya! Yung tipong hindi ako nag-eexist! Minsan na nga lang niya akong tingnan, masamang tingin pa ang iginagawad niya! He's not the same Triangle who calls me Pancake... Ibang-iba na siya.

RUN AS FAST AS YOU CAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon