Chapter 10 Mislead

162 23 1
                                    

Chapter 10 Mislead

***VEVIEN POV***
ISANG malutong na mura ang kumawala sa labi ko habang pinagtatadyakan ang buhay na buhay at kulay berdeng damo, na hindi ko naman sure kung berde nga talaga dahil sa bahagyang madilim ang paligid.

I'm devastated, knowing that I got, not one, not two nor three but five mistakes in a row.

I remember what my clanmate Dessa tells me a while ago.

"She wore Belle's outfit."

"Yah right. Belle's ka diyan!" gigil na ikinuyom ko ang mga palad ko.

"There are three girls wearing Belle's costume, hanapin mo sa tatlo ang may maiksing buhok."

"And she said three girls wearing that kind of costume!" napabuga ako ng marahas. "Kailan pa naging tatlo ang lima?"

Huminga ako ng malalim at nagpabalik-balik sa paglalakad habang nakapamaywang.

"And none of them is Meg!" tumigil ako sa paghakbang at nanlulumong sinapo ang noo ko na sumasakit na sa labis-labis na pagkapahiya kani-kanina lang.

It's all Dessa's fault.

How I wish I can easily forget that unforgettable and terrifying day of my life. The moment I ruined someone's happiness.

"MEG!" walang sali-salitang hinila ko ang maskara ng ikalimang magkapareha na sumasayaw sa gitna. I am expecting that I got the right person dahil sa pagkakataong ito, maiksi ang buhok ng babae hindi kagaya ng iba.

Ang kasiyahan ko ay naiwan sa ere. Lalo na nang ibang mukha ang nakita ko. It's not Meg but my terror classmate.

"M-Maricar?" bulalas ko.

"What the fudge is this for Vevy?" hindi maipinta ang mukha na bulalas niya.

"I..." humalukipkip ako. I don't know what to say. Kung may tao man akong ayaw makabangayan, siya na ito.

"C-continue your d-dance Macky," tarantang ibinalik ko sa kanya ang kulay pulang maskara na may balahibong palamuti sa kanang bahagi.

"Really?" she raises her eyebrow.

"Bakit sobrang ganda mo ngayon?"

"Changing the topic Vevy?"

"I...I'm not!"

"Yes you are!"

I rolled my eyes. "It's just a mistake. Bakit ba ang high blood mo?"

"Mula pa kanina, wala talaga sa mood dahil sa ginawa ng pesteng Erwi-"

"Maricar Ordaniel?" sabat ng kapareha ni Maricar na kanina pa napepe. Yung boses ng lalaking ito, pamilyar sa akin.

"O?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Maricar.

"Hi, my Mrs. Monteverde." Isang nakalolokong ngiti ang kumawala sa labi ng lalaki. Laking gulat ko nang hapitin nito ang baywang ng masungit kong kaibigan at siniil ito ng isang mabilisan at mukhang malalim na halik sa labi.

Huli na ang ginawang pagsapak ni Maricar dahil nakatakbo na ang lalaki na mukhang number one playboy sa campus.

"Vevien!"

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon