Chapter 7 Side Story 2: Members on Cue

185 17 4
                                    

Chapter 7 Side Story 2: Members on Cue


***GEMMA POV***

Hey, this is Gemmalyn Roca a.k.a. Adik! RDRC member!

"YOU'RE so unfair Adik ko! How could you let our innocent bheybe Meg, married that scumbag?" naluluhang angal ng lalaking itinatangi ng puso ko, na walang tigil sa pagpunas ng kanyang bulaklaking panyo sa ilalim ng kanyang mga mata.


"Rules are rules Co-founder. We should obey it." Kalmanting paliwanag ni Ashika, sa pagitan ng pagkagat sa stick ng lollipop.


"Pero kahit na!" Parang batang pumadyak ang irog ko. Sa katunayan kinakagat pa nga niya ang dulo ng kanyang panyo. Mukhang pinanggigigilan niya ito.


Sana naging panyo na lang ako!


"I know that she's in danger now Ashika!" He sniff.


"I disagree."


"How could you say that Ashika?!"


"They're lovers, right?" It's not a question but a mere fact.


Wow! Mukhang may alam din itong sa Ashika sa buhay pag-ibig ni Meg.


"So there's nothing wrong if they get married in public." She continued.


Bahagyang tumaas ang kilay ko. May kakaiba akong nararamdaman kay Ashika, lalo na sa tuno ng pananalita niya. Maliban doon, kanina, parang siya pa itong atat na atat, na ipakasal ang dalawa. Syempre, maliban doon kay Deathmetal na sinusumpong ng pagiging kupido kuno nito. Sarap upakan. Kaya nga heto kami ngayon, nagde-diskusyon ukol sa kalagayan ng dalawang magsing-irog na naparusahan.


"Aside from that, it's a fake marriage." Dugtong ni Ashika.


"Fake nga pero... pero... si Meg..." Muling pumalahaw ng iyak si Sweetmag.


Yes, it's him. The guy I'm in love with. Keberlalo kung binabae man siya. Sapat na sa akin na sa kabila ng lahat, ako ang napili niyang mahalin.


"My poor Meg..."


Nanghihinang hinilot ko ang aking sintido upang kalmahin ang aking sarili. Pagod at naririndi na ako sa pag-iyak niya. Plus, kanina pa ako sinasalakay ng selos. Biruin mo 'yon. May ibang iniiyakan ang boyfriend mo maliban sa iyo. Mabuti na lang, hindi na treat sa akin si Meg. I consider her as one of my friends now. If not? Ako ang magiging mortal enemy niya.


I take a deep breath. I shouldn't think this way!


Mabait na akong tao. Graduate na ako sa pagiging maldita at pagiging palaaway. Kaya gora lang. Makakaya ko ang kalbaryong itong nangyayari sa clan namin.


Sa pagpikit ng mga mata ko, naalala ko ang mukha ni Meg kanina. Kung paano siya nawalan ng buhay pagkakita niya kay Brendon. Para bang iniiwasan niya ito, e alam ng iba, ng mga clanmates namin na sila na. Maliban doon, hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang butil ng luha na kumawala sa gilid ng mga mata niya. She even changes her personality. Hindi na siya gaya ng dati na masyadong inosente at masayahin. Ang tanging nakikita ko sa kanya ngayon ay imahe ng isang babaeng pinagsakluban ng langit at lupa.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon