Chapter 3 SIDE STORY 1:Deathmetal Adventure

247 20 4
                                    

Chapter 3 SIDE STORY 1:Deathmetal Adventure

***ERWIN POV***
Hi, I am Erwin Camarin, a.k.a. Deathmetal RDRC member.

DAHIL sa isang responsibilidad, kailangan kong tumulong sa ka-clanmate ko. 'Buti sana kung ikauunlad ko ito kaso hindi. I'm with this kind of game na walang gaanong thrill. Una tatanggap kami ng bayad sa gustong ipakasal sa mga crushes nila. Sunod, huhulihin at ipoposas. Ang katapusan, ikakasal sila.

Mas maganda kung may thrill. Iyong matatawag mo na may something. Kumbaga kapana-panabik. Pero ilang araw na ang nakararaan, wala pa rin. This day will be the last day of the school event. Sana sa pagkakataong ito meron na.

Nakapamulsa na naglibot ako sa second floor. Nahagip ng mga mata ko si Brendon, nakatanaw siya sa hawak niya, na hindi ko matukoy kung ano. Dahil sinalakay ako ng pagiging usasiro ko, mas lumapit ako sa kanya. Maliit ito at kulay silver. Base sa hugis at pigura, isa itong singsing.

Ibinuka ko ang bibig para sana ay tanungin siya kaso ibinulsa niya iyon at nagmartsa sa kabilang panig.

"Kanino kaya galing 'yon?" Tumalikod na ako. Dalawang hakbang lang ang nagawa ko. Ayaw maalis ng singsing sa utak. Kasi naman, sa tinagal-tagal ko sa school ngayon ko lang nakita na ganoon kaseryoso si Brendon. Sabihin na natin na ganyan naman siya nang mawala sa kanya ang first love niya kaso may kakaiba talaga sa pagmumukha niya. Parang mas lumala. Higit pa roon may pa-singsing pa siyang nalalaman.

I stop from walking and slowly turned to his direction. Pababa na siya. Hindi ko na napigil ang sarili. Sinundan ko siya hanggang sa makababa siya. I saw him looking from afar. I follow where his eyes went. There's a girl who bumped to something and got hurt. Out of curiosity I moved closer to check her face. She's smiling like an idiot. Yet, she owns a beautiful face.

"Wow, who is she?" I can't stop myself from admiring her.

Pagbaling ko kay Brendon may gumuhit na kung ano sa mga mata niya na hindi ko magawang pangalanan. Nang lingunin ko ang babae, tumatawa ito habang kinakamot ang ulo.

Maganda sana kaso medyo ano lang!

"Wow." Napaawang ang labi ko pagkakita ko kay Brendon. His face darkened. Nang sundan kong muli ang tinatahak ng mga mata niya, wala akong ibang makita kundi ang babae, na ngayon ay pinagtitinginan na ng mga tao. Nang balikan kong muli si Brendon, nakaalis na siya. Namamanghang sinapo ko ang baba ko. May naaamoy ako na mabango dito.

"What are you doing?"

Nawala saglit sa isip ko ang natuksan dahil sa pagsulpot ni Lalaine a.k.a. I'rock ng EDRC. Nakatayo siya sa harap ko at nakapamaywang.

"Hmm?" Nakangiting tinitigan ko siya.

She rolled her eyes and pick something on her pocket. "Bayad ko."

Kunot-noong tinanggap ko ang bente pesos. "Para saan ito?"

"Ipakasal mo ako kahit isa sa mga Smith."

"What?" Mas nalukot ang noo ko.

"Ipakasal mo ko kahit isa sa magkapatid na Smith." nagniningning ang mga matang ulit niya.

"A-are you serious?" Hindi ko mapigilan ang kilay ko sa pagtaas-baba habang pilit ko siyang nginingitian. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito kakoripot na tao. Let's just say na kahit magkano ay tumatanggap kami pero bente pesos talaga?

"Yap." She nodded. "Budget mode ako ngayon. Naubos ko ang pera ko sa pagsa-shopping kahapon.

"Shopping?"

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesWhere stories live. Discover now