Chapter 9 Costume

167 19 2
                                    

Chapter 9 Costume

***MEG POV***

PAWISAN ang mukha at katawan ko, hindi ko iyon alintana, ang mahalaga lang sa akin sa mga sandaling ito ay ang makatakas sa humahabol sa akin na hindi ko alam kung ano, basta ang tanging hangad ko ay takasan at layuan ito.


Itinuon ko ang aking paningin sa unahan. Wala akong ibang makita kundi mga puno at halaman. Sa hindi ko malamang kadahilanan, nakaramdam ako ng labis na pagkataranta. Ang isang bahagi ng pagkatao ko ay nagsasabi na mamimiligro ang buhay ko.


Paano na ako ngayon?


"Sandali lang!" anang boses ng isang babae.


Saglit akong tumigil. Kanina ko na napapansin, ang isa kong kamay ay tila may kung anong hinihila.


May kabagalan na nilingon ko ito. Sinundan ko ng tingin ang kamay ko na may hinahawakang panibagong kamay. Isang babae ang sumalubong sa mga mata ko. Nakayuko siya dahilan para matakpan ang may kahabaan niyang buhok ang kanyang mukha.


Gusto kong bumitaw dahil sa labis na takot ngunit hindi ko magawa. Ang isang bahagi ng pagkatao ko ay nagsasabi na kailangan ko siyang isama sa pagtakas ko.


"Hindi ito oras para magpahinga tayo!" anang boses ng isa pang babae na mukhang nakatayo sa unahan ko. Kung saan haharapin ko na ang panibagong babae saka ako nasilaw ng kakaibang liwanag.



"MISS?"


NAPAPIKSI ako sa labis na pagkagulat. Lutang ang utak at katawan na sinulyapan ko ang paligid. Hindi maalis sa katauhan ko ang labis na pagkahapo. Ikalawang beses ko na iyong napanaginipan. Kung ako ang tatanungin, ito na ang nakakatakot at nakakawindang sa lahat.


Para kasing totoo!


"Okay ka lang Miss?"


Naiangat ko nang hindi oras ang aking paningin. Saglit na tumigil sa kanya ang mga mata ko. Nakaka-ano lang kasi, binangungot na ako ngayon-ngayon lang, tapos sasalubong sa lutang kong mga mata ang babaeng naka-Tinkerbelle costume.


Ano ang nangyayari? Panibagong panaginip ba ito?


Kinusot ko ng ilang ulit ang mga mata sa pagitan ng pagtayo. Ngunit kahit anong gawin ko, wala pa ring nagbabago.


Anyare?


"Nakita kitang natutulog diyan tapos may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman. Binangungot ka?"


"A..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Panaginip pa rin ba ito? Yung totoo?


"Maybe you are having a nightmare. Bye the way, hindi ka pa ba mag-che-change outfit?"


Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon