Kabanata 7

139 7 4
                                    

Kabanata 7

Boyfriend

Sumilip ako mula sa bintana ng aking kwarto at nakitang sa kapitbahay ay may nagkakantahan.

Tinignan ko ang orasan. Ala-sais pa lang ng umaga. Niyapos ko ang aking unan. At naalala ang nangyari kagabi. Nakakaloko si Gage. Pagkatapos ng pag uusap ba naman namin ay tinulugan ako? Biglang nahulog ang mukha niya. Buti na lang nasalo ko siya. What an idiot gay. Iinom inom ng alak pero hindi naman niya kaya? Is he out of his stupid mind?

Tumayo na ako.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang hindi mapasabay sa kinakanta nung kapitbahay namin.

Nang matapos ako ay dali dali akong nagbihis at bumaba para kumain.

Bumungad sa akin si Mama. Naghahanda ng almusal. Napatingin siya sa gawi ko.

"Let's eat, baby!" She said in glee.

"I don't want to." I said in glee, too.

Pinanlakihan niya ako ng mata. Like giving me her i-might-kill-you-if-you-will-not-eat look. I giggled.

"I love you, ma!" At dali daling umupo para kumain. Tumawa naman siya. Takot ko lang, no!

"So, how was your night?" Tanong niya habang kumukuha ng kanyang niluto at inilagay ito sa aking pinggan.

Hindi okay, Ma. The small voice in my head wanted to say. Binaliwala ko iyon. Dapat ay hindi malaman ni Mama yung mga nangyari. Knowing her, she's over protective when it comes to me.

"Great." I gave her a half smile.

Pinagpatuloy na naming kumain. Natatawa naman ako sa kumakanta ngayon sa kapitbahay. Napatingin ako kay mama at nakita kong natatawa ma rin siya. Sintunado kasi 'yong kumakanta. Tapos bakla pa. Ang nakapaghagalpak pa sa amin ng tawa ay ang kanta niyang Sirena. Kinakanta niya ito with his- I mean her? Nevermind. Kinakanta niya ito with feelings.

"Anong meron sa kapitbahay natin, Ma?"

Nagkibit-balikat siya, "Ewan ko ba. Kay aga aga ay nambubulabog." Tumawa kaming dalawa.

"Oh. Okay. Where's Lola?" Bigla kong naalala si Lola dahil kami lang dalawa ni Mama ang naririto.

She shrugged, "With her boyfriend?"

"Ano?!"

"Oa mo naman!" Tumawa siya. "Nasa farm siya."

Napa-ahh na lang ako sa sinabi niya. Sabi sa akin ni Mama, pupunta daw kami niyan sa farm namin. Matagal na rin simula nung huling punta ko don. Masarap tumambay dun. Lalo na sa duyan. Tapos sariwa ang hangin.

"Hoy!" Sundot sa akin ni Nadine sa tagiliran.

Nandito na ako ngayon sa school. Ni hindi ko namalayan ang presensya ni Nadine.

"I'm sorry." Sabi ko at di ko naintindihan ang sinasatsat niya. Daldal siya ng daldal. Samantalang wala naman ako sa sarili ko.

Tumango siya at umupo sa may bench. Umupo din ako do'n. Binuklat niya ang libro niyang 'If I Stay' at saka nagbasa. Naiwan naman akong mag isang nakatunganga habang siya ay nasa ibang mundo na.

Vacant namin ngayon. At dahil wala kaming mapuntahan ay nagtungo kami dito.

Sinulyap ko si Nadine na seryoso sa pagbabasa. Tinignan ko kung saang banda na siya.

"Hep!" Pigil niya sa akin sabay layo niya ng libro.

"What?" I asked, confused.

Isinara niya 'yong libro, "Wala. Masama bang ayaw ko ipakita sa'yo?" Oh please.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon