Kabanata 2

206 10 6
                                    

Kabanata 2

Couple Shirt?

Sabado ngayon at walang pasok. Bukas na pala kami aalis. Ang maalala ang bagay na 'yon ay napakalungkot. Ayoko talaga doon. Mas mabuting manirahan nalang ako magisa. Pero ayaw ni mama. Lecheng buhay.

Nanood muna ako ng tv. After lunch pa naman kami aalis ni Lara. Punta kaming mall mamaya.

Nag'scan ako ng mga chanel.

Naglalakad papunta sa akin si mommy na may dalang chips. Umusog ako para makaupo siya. Kumuha ako ng chips ng makaupo na siya.

Napagkwentuhan namin ang tungkol sa pagtira namin kila Lola habang nanonood ng tv. Aniya'y kailangan ko na daw mag ayos ng mga gamit ko.

"Yes, ma. Mamaya na lang po siguro pagkauwi ko."

"Paguwi mo?" Kunot noo niyang tanong. "Ah.. Oo nga pala. Aalis kayo ni Lara, right?"

Tumango ako. "Tama 'yan. Kailangan niyo sulitin yung oras niyo. Medyo matatagalan pa bago kayo magkita ulit."

Huminga ako ng malalim. Nagbabaka sakaling makumbinsi si Mama. "Mom, can't I just stay here?" Pagmakakaawa ko. "Please?"

Nagkibit balikat siya.

"Yes or no?"

"Ofcourse, no!" She laughed. "My decision is final!" And she left me.

Okay. Alam ko talo na ako. Hinding hindi ako mananalo kay Mama. Hindi ko na talaga siya makukumbinsi na maiwan ako magisa dito.

Napatingin ako sa orasan. Anong oras na rin kaya naligo na 'ko at nagbihis. Nakabeanie ako na black. Naka white shirt na may design na kung ano dito. Nakaleggings na black. At naka vans. Pagkababa ko ay sumabay na ako kumain kay Mama. Tapos nagpaalam na kay mama pagkatapos kumain.

Nandito na 'ko ngayon sa starbucks at hinihintay si Lara. Kalahating minuto na siyang late. At naiinip na ako. Kaya inabala ko ang sarili ko sa pagbibilang ng tao sa parking lot.

"One, two, three, four, five, six, seven.." Pabulong kong sambit.

"Eight, nine, ten." Napatigil ako sa pagbibilang ng may nakita akong gwapong lalaki. Ang kanyang buhok ay akala mo kinuryente dahil nakatayo ito. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Mapupungay na nata. Matangos na ilong. At sobrang pula ang labi na akala mo naglalagay ng lipstick. Ang kanyang suot ay simpleng shirt din. Nagulat sa nakitang parehas kami ng design nito.

"W-what?!" I hissed. I just can't. Ang pinagkaiba lang ay kulay puti ang akin habang ang kanya ay kulay itim. Na siyang bumagay sa kanyang makinis at maputing balat. Nagulat ako ng may lumabas na tatlong babae mula sa kanyang kotse. Sabay kumapit sa kanya na parang linta.

"Tss. Playboy.." Umirap ako sa kawalan. I really really really freakin' hate boys! Arsehole! I know.. Ang hard ko. Well, yan ang nababagay sa kanila. Isang masakit na salita bawat babaeng niloloko nila. Pero kasi ang tanga din ng mga babae. Malalanding higad kasi.

"What, amber? Sinong playboy?" Nakangising sabi ni Lara. Napatayo ako sa gulat. Ano ba naman 'tong babaeng ito. Pasulpot sulpot.

"Ano ba Lara? Ang tagal tagal mo! Ilang oras na akong naghihintay!" Naiirita kong sambit.

"I'm sorry, okay? Traffic kasi, e." Paliwanag niya. Tumango ako at umirap sa kawalan.

Umorder na ako. Inubos namin 'yon habang nagkwekwentuhan.

"Kilala mo si.." Tanong niya. Pero hindi ko narinig yung huli niyang sinabi.

"Sino?" Tanong ko naman. Nag iwas siya ng tingin. At bumaling sa parking lot.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon