Kabanata 1

344 11 27
                                    

Kabanata 1

Ingat

Katatapos ko lang maghanda para makapasok na ko. Hindi na ako nagayos. Para saan pa?

"Amber! Will you please look at me?!" Sigaw ni Mommy na siyang nakapagbalik sa akin sa reality.

"Sorry po, Ma. May iniisip lang po." Paliwanag ko.

"Okay, honey. Kanina ka pa kasi tulala e. Hindi mo na nagagalaw yang breakfast mo." Aniya sabay tumingin sa orasan.

"It's already 7: 45. Eat up. Mali-late ka na." Paalala niya sa akin.

I nodded as my answer.

Nang matapos akong kumain nagpaalam na ako kay Mama. At lumabas ng gate para mag taxi. Wala kasi yung driver namin ngayon. Sabi nila may sakit daw.

Habang nagbiya-biyahe ako, hindi ko maiwasang mapaisip. Mahal na mahal ko talaga si Mama. Simula pa lang napahirapan ko na siya. Nung pinagbubuntis niya ako. Sa pagaalaga at pagpapalaki sa akin. At sa pagpapaaral sa akin hanggang ngayon. Maaga kasing nabuntis si Mama. Kaya iniwan siya ni Papa. Kesyo hindi niya pa daw kayang buhayin kami, tapos bata pa daw siya para maging tatay, at madami pa daw siyang pangarap sa buhay. Those fucking nonsense reasons. Nakakainis lang kasi bakit niya ginawa yung mga bagay na iyon kay Mama kung hindi pa naman siya handa.

Lahat naman silang mga lalaki eh. Walang ibang alam gawin kung hindi magpasarap. Pag nagsawa iiwan. Pag ayaw na nila tinatapon. O di kaya'y akala mo mga laruan lang ang mga babae para sakanila. Ganoon na ba talaga ang tingin nila sa mga babae? Isang laruan? Isang laruan na akala nila ay walang puso?

Kwento nga sa akin ni Mama, binabalikan daw siya dati ni Papa. Mga eleven years old pa daw ako noon. Hindi na daw pumayag si Mama dahil sa nagawa na iyon ni Papa kaya maaaring madali na lang daw niya kaming iwan ulit.

It is true, isn't it? Kapag may maling nagawa sayo ang isang tao ay maaari at maaari niya itong maulit. Chance? Give chance to the person na deserving talaga. Life is not about giving chances tho dahil ang iba ay inaabuso na 'to. But, I can't blame everyone. We are all humans, after all.

"Ma'am, andito na po tayo." Sambit ni Manong driver na halata mong nagaalala sa akin. Dahil ang mga nagbabadyang mga tubig sa aking mata ay pabagsak na. No, I won't cry. Buti napigilan ko pa ito. Kapag talaga tatay ang pinaguusapan ay naiiyak ako. Sa kanya lang ako umiiyak. Masakit para sa anak na mangulila. Nagagalit ako sa kanya.

Inabot ko kay Manong ang bayad. At bumaba na mula sa taxi.

Ilang araw pa kaya ang nalalabi kong araw dito sa university'ng ito? Marahil hindi lang araw, baka bukas ay maaari na kaming umalis. Hindi ko alam. Iniisip ko pa lang parang guguho na ang mundo ko. Paano pa kaya pag talagang dun na kami nakatira? Ang sakit lang sa ulo. Habang ako'y naglalakad sa hallway. Napansin kong nakatingin sa akin yung mga estudyante. Nailang naman ako bigla kaya medyo yumuko na lang ako.

Nang malapit na ako sa una kong klase bigla akong sinalubong ni Lara.

"Hey, Fionna! Miss na kita agad!" Halakhak niya.

"The feeling isn't mutual! Kakakita lang natin kahapon. You missed me that much?" Ani kong nakataas ang isang kilay. At nagkunwareng mataray.

Ngumuso naman siya. "Stop pouting! Hindi ka naman cute! Mukha ka lang aso." Sabay tawa naming dalawa.

Papasok na kami sa room nang bigla kaming huminto ni Lara at nalaglag ang panga sa nakita. Isang tarpaulin lang naman na sobrang laki.

"MISS AMBER FIONNA ZAMORA, CAN I HAVE YOUR HEART?" Yan ang nakalagay sa malaking tarpaulin.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon