Kabanata 6

138 7 8
                                    

Kabanata 6

Gwapong Gage?

"I-ikaw ang m-may.." Nanlalaking mata kong tanong.

"Oo, tama ka!" Sagot ni Ryder, tumatawa.

Kumindat lang si Gage sa akin.

Siya ang may birthday kaya hindi siya busy sa pakikipaglandian. Halos itago ko na ang sarili sa ilalim ng mesa. Bakit hindi nila ito sinabi sa akin? Nakakahiya ang ginawa ko o nasabi ko kanina. Ang buong akala ko ay nakikipaglandian siya ngunit busy pala siya dahil sa birthday niya ngayon.

Para mabawasan ang kahihiyan ko ay napagisipan kong mag CR muna.

"At saan ka pupunta? Aalis ka? without saying 'Hi Austin! Happy Birthday! I love you!' man lang? Really, Amber?" Maarte niyang sabi. He even mimicked my voice. What a freakin' gay. Tumawa siya ng napakalakas na nakapagparamdam sa akin ng inis.

Inirapan ko siya.

"Sa lugar kung saan walang demonyo!" Inis kong sambit da kanya. "Wait, wait.. What?" Kunot noo kong tanong. "Bakit kita sasabihan ng 'I love you'? Gago! Diyan na nga kayo!" Inirapan ko sila. At tuluyan ng umalis dahil sa tatlong tawa nang tawa. Mamatay na sana kayo sa kakatawa!

Naglakad ako ng hindi ko alam kung saan ako pupunta. May nakita akong isang maid. Agad ko siyang pinagtanungan.

"Ate, saan po ang CR?"

Ngumiti muna siya sa akin bago niya sinabi kung saan ang kinaroroonan ng CR. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Habang naglalakad ako ay di ko maiwasang tignan ang kanilang buong bahay. Napaka aliwalas ng kanilang bahay dahil sa malaking chandelier na nakasabit. Mga palamuting babasagin ang nakita ko papunta sa kanilang CR. Mabango at malinis ang CR nila. May mga bato sa dinadaanan ko. Hanggang dito sa kanilang CR ay parang umabot ang kanilang garden. Hindi mo 'to aakalaing CR dahil sa mga halaman at mga bulaklak na napakaganda.

Nang matapos kong magCR ay napagisipan kong mag salamin muna. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Gusto ko ng umuwi.

Umalis na ako mula sa CR.

"Ma'am.." Tawag sa akin ng isa pang maid. Iba sa nakausap ko kanina. Tumingin ako sa kanya. "Tawag po kayo ni Sir Austin. Kakain na po ata kayo.."

"Osige po." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Lumakad na ako papunta sa garden. Ngayon ko lang napansin na ang hugis ng entrance sa garden ay bilog na punong punong ng mga vines. Huminto ako bago pumasok. Pinagmasdan ko ang mga halaman. At saka pumikit para damahin ang sariwang hangin. Nakakamiss din pala ang polusyon. Sobrang nakakamiss. Nakakamiss ang Manila. Gusto ko ng bumalik doon pero hindi pwede. Nakakalungkot dahil sa kung anong gawin ko ay hindi na pwede.

"Mademoiselle Marthee! My gosh! I missed you!" Bati ng isang mukhang barbie doll na babae. Ang ganda niya. Maputi, makinis, matangkad. Naka fitted tube dress na red siya na bumagay sa kanyang maputing balat. At ang gold na kwintas sa kanyang leeg.

Si Marthee ay narito. Nabanggit nga pala nila na magkadugo si Marthee at Gage. Ngunit hindi nila sinabi kung magkapatid ba or what. Sa tingin ko ngayon ay hindi siya kapatid ni Gage dahil kakadating lang niya.

Mula dito sa entrance ng garden ay hindi nila ako nakikita dahil na rin sa dilim dahil puro neon and disco lights lang ang nakakaabot mula rito. Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Matagumpay akong nakapunta sa loob ng garden. Salamat at hindi ako nakita ni Marthee. Sigurado akong naririto din ang kanyang mga kagrupo. Nilibot ko ng tingin ang buong garden. At hindi ako nagkakamali, naririto nga sila.

Broken StringsWhere stories live. Discover now