The Upcoming Issue

4.3K 68 0
                                    

Living with Mister Daniel Padilla

Chapter 10

Daniel's POV

Napansin kong namatay na ang cellphone ko na hawak nya. For sure lowbat na yun. Okay lang kung empty bat pa yan, no use na din naman e. Walang signal dito sa loob. Tumahimik ulit ang paligid. Maya maya pa, naramdaman ko ang sofa na parang may gumagalaw. Naramdaman ko ang kamay ng PA ko. Nung nakapa nya ang kamay ko,Lumapit sya saken sabay kapit sa braso ko. Nagulat talaga ako ng ginawa nya yun. Takot nga pala sya sa dilim.

"ah eh uhmmm, Pahawak lang saglit ha, ang dilim kase e". Mahinhin nyang sabi.

"Bahala ka. Basta wag ka lang masyadong didikit sa aken".

Sinauli nya saken ang lowbat kong cellphone. Nanatiling tahimik ang buong kapaligiran. Ang dilim talaga. Kahit ako e walang makita.

"Siguro gabi na. Bukas pa ata tayo makakalabas neto" sabi nya.

"More or less, guess I have no choice but to spend the night with you ugh"!! Ayoko magtagal dito. Ang daming naghihintay sa aken sa labas !

Grace's POV

"Do you think na gusto ko din mastuck at mag spend ng night kasama mo"! Nakakapit pa din ako sa kanya kahit na naiinis na naman ako dahil sa tabas ng dila nya. Nagsimula na naman syang pairalin ang pagiging arogante nya.

Nag umpisa na naman ang sagutan namen. Hay.

"A lot of girls are dying to touch me pero ikaw kotang kota ka na jan kakakapit sa braso ko".

"Ang kapal ng muka mo! Hoy wala akong pakialam kung artista ka. I dont take things for granted. Kung hindi lang talaga ako takot sa dilim hindi naman talaga ako kakapit jan sa braso mo e. Ughh ! I don't want to be stucked in here lalo na't ikaw pa ang kasama ko"!!!! 

Sa sobrang sama ng loob at galit ko sa kanya tumayo ako. Wala na akong pakialam kung madilim. Naglalakad ako kahit walang makita. Maya maya pa. May nabangga akong something di ko makita dahil nga sa sobrang dilim pero tinamaan ang binti ko kaya natapilok ako at napahiga.

"Aaaaaaaaaaa"!!! Napasigaw ako sa sakit. Hinawakan ko ang paa kong napatid. Nakahiga ako sa sakit. Di ako makatayo.

Daniel's POV

Narinig kong sumigaw ang PA ko pagkatapos niyang mag walk out dahil sa mean words na sinabi ko sa kanya. I don't know why I blurted out something like that. But I feel a little awful. Tumayo ako at nangapa sa dilim. Ako pa masisisi ng Manager ko kapag may nangyareng masama sa pinakamamahal niyang pamangkin.

Ginamit ko ang instincts ko para mahanap sya ng bigla akong napatid. Napadapa tuloy ako. Pakiramdam ko may nadaganan ako.

"Waaaaaaaaaaaa"!!!! Nabingi ako ng may sumigaw sa tenga ko.

Si Grace pala ang nadaganan ko !

"Manyak ka. Aliiiiss" sigaw nya na napagkamalan pa akong manyak. Didn't knew she's there not to mention I landed on top of her. 

I just noticed our uncomfortable position. Our faces were too close. Just when I was about to stand up. I saw a light. Flashing lights rather.

May bumukas na pala ng pinto. Nandun ang manager ko. Kasama ang isang katerbang media na walang tigil kaka takes ng pictures.

Seriously. My career ends here. Good job DJ malalagay ka sa headlines nyan.

Tumayo na ako at napansin kong hindi pa din tumatayo ang PA ko.  

Lumapit sa amin ang Manager ko.

"What the hell is this Daniel"? Sermon niya.

"Tito, Not here. This is just a big misunderstanding. Look at her" Tiningnan namen ni tito si Grace na nakaupo na.

"I think she's hurt" pinuntahan naman ni Tito si Grace. Inalalayan niya ito para makatayo.

"C'mon, let's go" tipid na sagot ni Tito.

Grace's POV

Lagot na naman ako neto ! Kakalat sa media yung aksidenteng nangyari ngayon. Akala tuloy nila may ginagawa kaming masama ng amo ko ! I'll be hated by everygirl ! Ang malas ko naman.

Inalalayan ako ni Tito papunta sa isang room kasama si Daniel. Nakasunod pa din ang media samen habang papunta sa room.

Ang sakit pa din ng paa ko. Nakita ko na parang maga siya.

Nagsimula na kameng magpaliwanag ni Daniel kay Tito. Detail by detail. Simula nung maligaw ako hanggang sa naabutan niya kami sa ganung posisyon. Lumapit sken si Tito.

"I'm sorry, I never expected this would happen." Sabi nya sken.

"Tito. You dont have to apologize. It's all my fault" sabi ko sa kanya.

"buti alam mo"! Sabat ni Daniel.

"My niece, it's okay. Dont blame yourself. It's all an accident". He's trying to comfort me.

Tumayo siya at pumunta kay Daniel na nakatayo sa may pintuan.

"Now Daniel, we're going to hold a press conference. Magpapaschedule na ako. This is going to be a big controversy kaya naman maganda ng unahan naten ng maliwanagan ang mga tao especially your fans.". Sabi niya kay Daniel habang umiiling ang ulo neto.

"I also texted the management about you being absent in the meeting, luckily, it was cancelled."

Maya maya pa dumating na ang first aiders at ginamot ang sprain foot ko. After nun, umalis na kame sa mansion. Gabi na din pala. Natulog na ako, inalalayan ako ng mga maids paakyat hanggang sa kama ko.

------------------------------------------- 

Tsk. Magsisimula na ang issue about dun sa insidenteng nangyare sa old studio. :) 

What do u think will happen guys ?

Vote.Comment.Be a Fan :)

Thanks for reading !

-mackenzie

Living with Mister Daniel Padilla (FanFic)Where stories live. Discover now