The Mourns

8K 101 6
                                    

Living with Mister Daniel Padilla

Chapter 2

Pangatlong araw na ng burol nila Mommy, Daddy at Nathan. Nabalitaan din ng iba naming kamag anak kaya naman bumisita sila. Ulilang lubos na akong matatawag nito. Pinatira ako ng mama ni Francine sa kanila. Gusto ko sana mag stay na lang sa bahay pero naaalala ko lang sila. Nakatanggap na din ako ng ilang documents about sa pgpapasa saken ni Daddy ng mana galing sa mga entrusted lawyer niya.

Lumabas ako ng bahay at pinuntahan ko ang isang private funeral homes kung saan nkaburol sila Daddy. Ang daming tao. Nakita ko din sila tita at tito. 

Niyakap nila ako at nagsimulang umiyak. Ramdam ko ang lungkot sa buong paligid. Umupo na ako sa isang tabi habang pinupunasan ang maga kong mata.

Maya maya pa, lumapit sa aken si Tito Ranz, close ko sya sa lahat. Kapatid siya ni Mama. Pero ilang taon din kaming hindi nagkita dahil sa trabaho nya. Busy kase sya palagi, May iniabot syang card. Kinuha ko naman.

"Tito ano to"? Tanong ko na may kasamang hikbi.

"Calling card ko yan, I know you wouldnt dare to live alone. You need a place to call home".

Still confused tinanong ko sya habang binabasa ang card nya 

"What do you mean tito"?

"I dont want to burden your friend's family by letting you stay at their house. I should take a bit responsibility since you're my niece and I dont want you to live with strangers."

"Tito, hindi naman sila strangers e. Mababait sila. We've known each other for years".

"Grace, I'm not saying that they're bad. Ang akin lang, kadugo kita tska ayokong bigyan sila ng problema. "

Napayuko ako sa sinabi niya. Totoo naman. May point sya dun. Ayokong maging pabigat sa kanila. Di naman nila ako kadugo e. Tama si tito.

"Okay, You can think about it. Just give me a call if you've made up your mind".

He kissed me on my forehead.

8 pm ng umuwi muna ako sa bahay nila Francine para mgpahinga. Pumunta ako sa guest room kung san ako nanunuluyan. Humiga ako sa kama habang nkatingin pa din sa hawak kong calling card.

Nagdadalawang isip ako. Gusto kong makasama si Francine, pero ayokong mging pabigat sa kanila ng pamilya niya. Close ko naman si Tito pero parang di ko alam kung anong dadatnan ko kapag pumayag ako na tumira sa bahay niya.

Sa sobrang kakaisip. Di ko namalayan na unti unti na pala akong nkatulog.

---------------------

Libing na ngayon nila Daddy. Di na din pinatagal ang burol. Nandito kame sa Himlayan ng Pilipino. May musoleo kase ang Lacra Family dito. Kung saan nkahimlay sila lolo at lola.

Naglalakad na kame papunta ng musoleo galing ng simbahan. Mas madaming tao ang nakilibing. Mga iba ko pang kamag anak yung iba di ko na makilala. Nandito din ang pamilya ni Francine.

Nakarating na kame sa musoleo. Nang ipapasok na ang kabaong nila, humagulgol na naman ako sa pag iyak. Sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko ngayon, hindi na ata ako makaka get over sa nangyaring ito. Hinalikan ko isa isa ang mga kabaong nila bago tuluyang maipasok sa butas. Bumuhos ang luha ko. Eto na siguro ang pinkamalalala kong iyak. Wala na akong pamilya. Ayan na sila at nkahimlay. Kahit ano pang gawin kong tawag sa kanila, hindi na sila maibabalik. God bakit ako pa ?

Niyakap ako ni Francine, sobra na kase akong nahihirapan sa pag hinga kakaiyak.

"Grace, be strong. Kung nasaan man sila ngayon, for sure they're watching over you. They dont want to see you like this"

"I'm never gonna see them again"! Hikbi ko sa kanya.

"We're here for you. Dont worry you still have us".

Binuhos ko na lahat ng luha ko. Hanggang sa pakiramdam ko na parang nauubusan nko ng luha. Magang maga at namumula ang mata ko.

Pagabi na din ng makauwi kame galing sa libing. Pumunta agad ako sa guest room, hawak hawak ko ang family picture namen. Naluha ulit ako. Hinalikan ko ang litratong hawak ko. Pumunta ako sa harap ng salamin. Nakita ko kung gano ko na napbayaan ang sarili ko. Ang laki ng pinayat ko.  

Ilang araw dn akong di nkakain ng maayos dala ng pangungulila.

---------------------- 

Ilang araw din ang lumipas simula ng pumanaw sila Daddy. Heto ako ngayon, nakatira pa din kanila Francine, nakakangiti na ako kahit papano. Mahirap man tanggapin kinakaya ko. Alam kong ginawa lang yun ni God dahil may dahilan sya. Mahigit isang linggo na akong absent sa school. Kinausap naman ni Tito Ranz ang Dean at naintindhan nla ang sitwasyon ko.

Gusto kong bumalik sa dati kong buhay. Alam ko mahirap. Pero ayokong mapag iwanan ng panahon. Kelangan kong mag move on sa lahat ng ito. Masakit, Oo. Pero narealize ko na hindi magiging masaya sila Daddy kapag nakita nila akong nagkakaganito dahil sa pagkapanaw nila. Tama si Francine. I dont want to be stucked in here.

------------------------------------------- 

Sorry guys, mejo sad pa din ang scenes netong chapter na to. Pero chill lang kayo malapit na mag start ang totoong story xD

Thanks for reading !

-mackenzie

Living with Mister Daniel Padilla (FanFic)Where stories live. Discover now