Living with Mister Daniel Padilla (FanFic)

25.4K 154 8
                                    

Living with Mister Daniel Padilla

Chapter 1

Madaling araw na, at heto kami ng bestfriend kong si Francine, movie marathon ang peg namen. "If Only", pangatlong movie na to. Kanina comedy ang pinapanood namen kaya naman ngayon, love story. Dito matutulog tong best friend ko palagi naman e. Close na kase kame nyang bruha na yan, pati nga parents namen close na. Speaking of my parents, wala pa sila, di pa din umuuwi. Sabi ni Daddy may dadaanan lang daw silang shop kanina bago umuwi pero hanggang ngayon di na nagtext. Nag aalala na tuloy ako. Kasama niya si Mommy tska yung younger brother ko na si Nathan.

"Uy bakla, luto lang ako ng popcorn ah, ubos na kakangata mo e" sabi ko, sabay punta sa may kusina, may mini kitchen kase ang kwarto ko.

"Gora lang".

"♪♫Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas, hinahanap hanap kita. Sa♪♫-"

"Baklaaa ang ingay ng cellphone mo. Di ko na maintindihan tong pinapanood ko e"! Reklamo ni Francine.

"Eto na ngae" sabay kuha ng cellphone ko. May tumatawag. Unknown number. Dapat di ko sasagutin pero may something na nag tulak saken para sagutin yung call.

"Hello"?

"Hello, are you Grace Lacra"? Putragis alam nya pangalan ko.!

Boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya.

"hmm, yes this is me. Grace. Why"?

"About sa Daddy at sa Family mo. Can you come here at the hospital"?

Nag panic ako ng marinig ko ang word na hospital. I really dont know what to do. Dali dali akong sumugod sa hospital na tinext ng nurse. Sinamahan ako ni Francine. Nag aalala din siya.

Pagdating ko sa hospital, nakita ko ang nurse na tumawag saken. Hinintay nya pala ako sa entrance ng hospital.

"Nurse, ano ba ang nangyare sa pamilya ko"? Naiiyak kong tanong.

"Nainvolve ang pamilya mo sa isang car accident. Nabunggo sila ng isang ten wheeler truck".

Lalo akong kinabahan. Nako po Diyos sana walang nangyaring masama sa kanila. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang nglalakad kame. Ilang beses ko na siyang tinanong kung kamusta ang condition nila pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Hanggang sa marating na namen ang kwarto. Pagpasok ko puro doctor ang nakita ko. Bakas ang lungkot sa mga mata nila. Pinaalis ko sila. Pinagtutulak. Pinipigilan ako ni Francine dahil parang mawawala na ako sa katinuan.

Nadurog ang puso ko ng makita kong nkatakip ng puting tela ang 3 tao nakahiga sa kama. Nakaratay at wala ng buhay.

"I'm sorry. Ginawa na namen ang lahat ng mkakaya namen. Masyadong malakas ang impact ng pagkabangga ng truck sa kanila".

"Yan lang ba ang kaya niyo, Please! Please. Bring my family back"!!!

Ang sakit ng puso ko. Di ko akalain na sa isang iglap lang ay mawawala ang tatlo sa pinkamamahal kong tao sa mundo. Ayokong mag isa.

"Grace," lumapit sken si Francine at niyakap ako mahigpit. Umiyak ako sa kanya. Ramdam ko din na umiiyak siya. Naririnig ko ang mga hikbi nya.

"Pano na ako ngayon ?,How can I live without them ? They're all I have ! ". Umiiyak pa din ako.

Nagloosen naman na ang yakap ni Francine, humarap sya saken.

"I'm here for you," Sabi nya saken habang pinupunasan ang luha ko. 

Nagulat ako sa sinabi nya at niyakap ko ult sya. Ang hirap mabuhay ng mag isa. I'm only 17 kelangan ko pa din ng kalinga nila.

Tinanggal ko ang puting tela. Umiiyak ako habang hinahawakan ang muka ni Daddy, mamimiss ko ang mga yakap nya tuwing nkakahonor ako sa klase. Si mommy, hindi ko na makikita ang ngiti sa kanyang labi sa tuwing tinutugtugan ko sya ng piano. At si Nathan na 9 yrs old lang. Walang kamuwang muwang, wala ng mangungulit sken sa gabi kapag hindi sya makatulog. Lahat sila. Sa isang iglap nawala.

Maya maya pa, dumating na ang pamilya ni Francine, tinawagan nya para sabihin ang masamang balita. Sobrang nalungkot at umiyak din ang pamilya niya. Lalo na ang Papa at Mama nya. Matagal na din kase silang magkakaibigan.

------------------------------------------- 

Hey guys, I'm a newbie ! :) and this will be my first piece so please bare with me. I'm gonna use only my mobile throughout the story. Sorry if there'll be some typo errors.  Ayoko kase gumamit ng pc kse for sure madaming mkikibasa habang ngttype akei. !

My apology kung 1st chapter pa lang. Tragic na. Wait wait lang kayo.

Thanks for reading !

Vote.Comment.Be a Fan :)

-mackenzie

Living with Mister Daniel Padilla (FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon