Personal Assistant

4.8K 77 2
                                    

Living With Mister Daniel Padilla

Chapter 7

Inexplain sa akin ni Tito ang mga duties ko as a PA. Kesho kelangan hindi pinagpapawisan, bawal mainitan. Kelangan may dala akong tubig at tissue palagi. Buntot ako kahit san sya pumunta. At madami pang iba.

Hindi naman ako makareklamo kaya pumayag ako. Favor to Grace take note. Temporary lang.

Sa buong biyahe, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Wala akong kiber na katabi ko yung mokong na yan. Makalipas pa ang 30 mins. at nakadating na din kami sa Studio. Lumapit sa akin si Tito dala ang mga gamit ng lalaking to.

"Okay, I'll leave you two alone. I have to talk to the producers. "Grace," he looked at me. 

"I'll leave Daniel in your hands" 

I give him a fake smile.

"Don't do anything reckless" 

Sabi niya kay Daniel sabay tapik sa balikat niya.

Umalis na si Tito at maya maya pa inapproach na siya ng mga make up artist tska yung stylist nya. Ako naman heto at nakabuntot sa kaniya. Nasa loob kame ng dressing room. Nakita ko din ang ibang artista na sasabak din sa interview.

"Ikaw ba ang bagong PA ni DJ"? Tanong sken ng make up artist na kasalukuyang nilalagyan ng powder ang mukha ni Daniel.

"Ako nga po" tipid kong sagot.

"Paypayan mo nga tong amo mo, pinagpapawisan e. Nabubura yung make up". Reklamo niya saken.

"Ay eto na nga po e" sabay kuha sa pamaypay at pinaypayan siya.

I saw him smirked. What a devil. Nakakapang init tuloy ng dugo.

Pinagpatuloy ko ang pagpapaypay sa kanya at pagpupunas ng pawis nya hanggang sa matapos ang make up nya. Magsisimula na din kase ang interview.

Ngayon bilib na ako sa mga PA ! Saludo na talaga ako sa kanila.

Nakalabas na ng dressing room ang unggoy kong amo. Nakabihis na din sya. Pumunta na siya sa set. Ako naman, naiwan katabi ng mga cameraman at mga producers. First time kong mkakapanood ng live talk show. Krist TV pa !

On Air na. Binati na ni Kris ang audience. At inimbitahan na ang mga guests nya for todays' show.  

Pinag mamasdan ko lang ang amo ko. Putragis ang galing magbait baitan kapag nasa harap ng camera. May pahalik halik pa sa fan na nanalo sa Mini Game na pinalaro sa kaniya. Nakoo ! Jusmiyo. Kung alam nyo lang !

Nagpatuloy ang show. Naka locked ang tingin ko kay Daniel. Hay nako. Di ko pa din talagang maiwasan ang mahulog sa kanya. Deads na deads ako ! Di ko akalain na PA nya pa ako. Aaaah ! FanGirl mode ! My Gawd! Grasyaa ! Ano ba yang pumapasok sa kokote mo ? Hindi sya katulad ng inaakala mo. Mayabang at bilib na bilib sa sarili nya. ! Tama ! Ganun sya.

Tinanong ni Kris si Daniel  

"Ang daming na lilink sa iyong babae ngayon, may nililigawan ka ba sa kanila"?

"Uhhm, wala po. Hanggang friends lang po kame. Nkafocus po muna ako ngayon sa career ko" 

Sagot nya sabay ngumiti.

"Ano ba ang type mo sa isang babae"? Tanong ulit ni Kris.

"hmm, Physically po, gusto ko yung morena, may sweet smile tska beautiful eyes"

Putragis ako yun ah ! Haha chos lang. Natawa ako sa mga audience kase nagsitinginan sila sa salamin.

"Makahanap nga ng ganyan dito. Meron ba jan close to Daniel's ideal girl"?

Ang daming nagtaasan ang kamay sa audience, mga die hard fans siguro. Tumayo si Kris at pumunta sa audience. Hanap sya ng hanap. Dumaan sya sa harap ko. Naglibot pa sya ng kaunti. Ang dami ng fans ang nagiingay. Di naman sila fit sa type ni Daniel.

"I think I found her" sabi ni Kris, sabay lakad sa direksyon ko. Lumingon ako sa likod ko kung merong babae pero wala. The next thing I know, hatak hatak niya na ako pabalik ng set.

------------------------------------------- 

Pabitin ba guys ? :) Abangan ang next chapter. ! Kaloka si Kris haha ! Let me know what you think about this story.

Vote.Comment.Be a Fan :)

Thanks for reading !

-mackenzie

Living with Mister Daniel Padilla (FanFic)Where stories live. Discover now