EPILOGUE

2.2K 52 1
                                    


[Pearl]


Pagkababa namin sa mansion ay hindi na ako napigilan ni Kirvy, galit akong naglakad deretso sa taas. Hinarang ako ni Adah asking "What's wrong?"at "Bakit kami numuwi?" hindi ko siya pinakinggan dumeretso lang ako sa taas to my mother's room. Galit na galit ako. Para akong dragon ngayon na bubuga na ng apoy. Pero biglang lumambot ang puso ko ng makita ko si mommy na naka damit pantulog pa, sa kama tulog na tulog at nasa dibdib niya ang mga larawan naming anim no'ng nasa highschool pa kami, meron din ang ngayon, tiningnan ko siya, sa puso ko naawa ako sa kanya, siguro ginawa niya 'yun kasi may dahilan siya, hinawakan ko ang kamay niya pero agad ko itong binitawan dahil sa sobrang init. May lagnat siya.

"Pearl?"

"May lagnat kayo, bakit hindi niyo man lang sinabi?"

"Ayokong pabigat."

"No, mom hindi ka pabigat!" I dial my phone asking for Peyton at nagsitakbuhan na sila sa kwarto ni mommy, the way i see it they are worried about her health, too.

Dinadala nila si mom sa ospital, palitan ang pagbabantay, ang pakay ko sana kay mommy ay hindi natupad dahil sa nangyari sa kanya. Gusto sanang bantayan siya pero ayaw ni Kirvy dahil buntis ako.

"Pearl? Hinanap ka ni Mom." ani ni Kelly.

Agad akong pumasok sa kwarto, medyo okay na siya at malakas na, maybe this i the right time to ask her why.

"Pearl..."

"I'm pregnant!" Tiningnan ko siya at bakas sa kanya ang pagka gulat pero napalitan din ng saya.

"I'm glad you are, thanks God!"

"Please tell me kung dapat ba akong magalit sa'yo for hiding the truth naguguluhan kasi ako."

"When i told you about the twins, plano kung sabihin sayo ang tungkol sa kalagayan mo but Kirvy showed up."

"Bakit n'yo nilihim. mom? Bakit niyo ako hinayaang mabuhay na malungkot!?"

"Dahil anak kita at mahal kita. Gusto kitang ilayo sa sakit. Nang malaman kong buntis ka sobrang disappointed ako sayo kasi inulit mo ang kagagahan ko sa buhay. Pero nakita ko ring 'yun ang way para masukat ang pagmamahal mo sa sarili, sa kapwa at sa lalaki." Nang sabihin ng doktor na kailangang e terminate ang kambal dahil na sa tubo sila tumubo at wala sa matris mo ay agad akong naawa sayo. Alam kong gaya mo nasasaktan ako ng nawala ang anak ko. Ina din ako!"

"Ginamit ko ang pera at makabagong teknolohiya ay pina freeze ko ang embryo, tamang tama naman na gustong akuin ni Adah ang pag bubuntis."

"Sabi mo may damage ang matress ko."

"Meron, nakuha mo yun ng ma aksidente ka hindi biro ang doktor na binayaran ko para lang maetawid ang matris mo. Sabi nila hindi daw sure if magka anak ka or kung gaano ka tagal, pero at least magkakaanak ka."

"Pero sinabi mong hindi na ako magkakaanak!"

"Dahil ayokong paasahin ka. What if hindi ka magka anak pang muli? What if hindi successful ang surgery mo? Hindi ko sinabi na buhay ang kambal dahil ayokong paasahin ka sa wala."

"Bakit hindi mo sinabi nung unang beses mo akong dinala sa ospital para kunin and kambal?"

"Dahil gusto kong magsimula ka ulit ng bagong buhay na masaya kasama ang mga anak mo. Ayokong paalalahanan ka sa sakit ng kahapon. Mahal na mahal mo si Kirvy nakikita ko, pero hindi ako sure kung mahal ka niya. Paano pag hindi kana magka anak? Iiwan ka niya? Gusto kong sukatin ka sa katatagan, gusto ko ring sukatin ang inyong pag iibigan. Kaya i ask you to marry Kirvy, kasi gusto kong makita kung may pag asa kayo. The truth is, pinaglapit ko kayo ni Kirvy dahil ayokong nabubuhay ka na kagaya ko, may galit at malamig. Ayaw kong maging ako ka. Eto lang ang way para sukatin ko kung mahal ka nga niya sakabila ng hindi mo siya mabigyan ng anak."

HEARTS LEGACY: PEARLWhere stories live. Discover now