2: BRAND NEW

2.6K 77 1
                                    

Isang taon ang matuling lumipas. Ang daming nangyari. Kaming tatlo nina Kelly at Irish ay na dagdagan pa nina Peyton, Alexa at Adah, kaya mas naging masaya lalo pa no'ng isilang ni Alexa si Baby Kimberly.


Hindi madali ang buhay sa aminkahit pa sabihing nakahiga kami sa malambot na kama at nakakakain kami ng tatlong beses isang araw at may kasamang meryenda. 


Tahimik lang si madaam at hindi nakikipag kwentuhan sa amin. Palaging galit kung magsalita at strikto. Hindi naman siya palautos palagi ngang wala sa bahay o kung nasa bahay man ay laging nakakulong sa library. Nasasalamuha lang namin siya tuwing kakain.


Isang taon!

Ganyan ka haba ang inilagi namin sa loob ng mansyon na parang preso. Bawat isa sa amin ay katulong sa bahay na gaya ko na isang driver pero minsanan lang naman talaga kami umaalis ng bahay kapag may bibilhin lang or may check-up si baby Kim.


Si Kelly ang cook. infairness masarapa talaga siyang magluto kaya nagpapaturo ako sa kanya kasi gusto ko rin matuto para na rin tulungan siya since siya ang pinaka busy dahil tatlong beses kami kakain at araw-araw pa.


Si Irish na tagalinis at tagalaba. Actually, damit lang ni madam ang nilalabhan niya dahil kami ang naglalaba sa mga damit namin at kami na rin naglilinis ng sarili naming kuwarto. Linggohan din siya naglilinis ng bahay na minsan ay tinutulungan pa siya nina Adah at Peyton.


Si Peyton na personal nurse ni madam. Walang halong biro pero pwede siya maging doktor dahil likas sa kanya ang aking talino sa mga halamang gamut ay mapag-alaga din ito. Nang magkasakit si baby Kim ay mas busy pa siya kaysa kay Alex.


Si Alexa na personal alalay ni madam. Tuwing aalis si madam ay siya ang kasakasama kaya pinaturuan din siya mag drive ni madam tulad ko. Kaya kapag wala si Madam sa bahay ay ganun din si Alexa kaya salitan kami sa pag-aalaga kay baby Kim in return tuwing uuwi siya ay may pasalubong siya sa amin.


at Adah na hardenera. May green thumb talaga siya. Mas gumanda ang maliit na hardin ni madam dahil sa kanya. Tuwing umaga ay may bagong bulaklak sa kuwarto ko at sa sala, Mabango ang paligid dahil sa mga bagong bulaklak ni Adah.


Ang mas weird nga lang ay maliban kay Kelly, kami nina Peyton, Adah, Alexa at Irish ay magkakamukha. Kung alam ko lang may kapatid ako baka isipin kong sila 'yun pero wala naman sinabi ni nanay. Si Irish din may kapatid pero malayo sa hitsura niya. Si Peyton at Adah ay pawang mga ampon daw pero wala naman daw sinabing may kapatid pa sila. Kaya mas malapit kami sa isa't-isa kasi itinuturing namin pamilya ang bwat isa sa amin.


Pero sa loob ng isang taon ay pinaturuan kami ni madaam kung paano maging babae ng kasalukuyan. Mula sa paglakad at pagu-po. Sa tamang asal sa pagkain. Sa tamang damit at sapatos. Pinaturuan niya kami ng mga alam niyang magiging sandata namin para harapin ang buhay sa labas ng mansyon. Hindi lang 'yun dahil pinaturuan din niya kami ng martial arts para ipagtanggol namin ang aming sarili pag kinakailangan.


Sa loob ng isang taon ay ibang Pearl na ako. Kahit sinong makakakilala sa akin ay hindi mag-aakalang ako ito si Pearl, ang anak  isang pokpok. Taglay ko ang ganda at eleganti ng isang mayamang babae isama pa ang stiletto na suot ko na nagbibigay sa akin ng attitude. Lahat ng ito ay utang ko kay madam.

HEARTS LEGACY: PEARLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon