Chapter 36

26.6K 368 29
                                    

“Ands, get up!”

Pinipilit itayo ni Alyssa si Andie mula sa pagkakahiga nito.

“C’mon! Baka gising na si Dennise! Maaga tayong pupunta sa bahay!”

Nagmulat ng mata si Andie at kinuha ang cellphone nito para tingnan kung anong oras na.

“Gosh! Aly! 6 am pa lang. Baka nga tulog pa si Dennise! Letse ka!”

“E kahit na! Tumayo ka na dyan at maligo. Susunduin pa natin ang prinsesa ko.”, pagpipilit nya dito.

“Damn it! Badtrip!”

Padabog na tumayo si Andie at dumiretso sa cr. Halos gibain nito ang pinto sa pagbalibag nito dito pasara pero parang walang epekto iyon kay Alyssa na ngiting-ngiti.

Nang makatapos maligo si Andie ay hinila na ito agad ni Alyssa palabas ng unit nya para dumiretso kay Dennise at sunduin ito.

“Sinong katext mo?”, tanong nya kay Andie. Napansin nya kasing kanina pa ito busy sa telepono nito.

Ngumisi ito sa kanya. “Si Dennise.”

“Ha?! Bakit ikaw ang katext nya?! Dapat ako ang katext nya!”

“Bakit naman? Magkaibigan kami no. Dapat lang katext nya ako.”

Sumimangot sya. “E bakit? Ako din naman a.”

“Kaibigan ka nya? Sinabi nya sa’yo? Kasi sa akin sinabi nya e.”

“Manliligaw nya ako!”, sabi nya kay Andie habang tinuturo ang sarili.

Tumawa ito. “Talaga? E bakit hindi nya alam na nanliligaw ka?”

“E kasi....”

Hindi makasagot si Alyssa sa tanong ni Andie. Binatukan naman sya nito.

“E kasi, hindi mo sinasabi sa kanyang liligawan mo sya.”

Hinimas nya ang kanyang ulo. “E pinaparamdam ko naman e. Lagi akong sweet sa kanya. Ginagawa ko yung mga naresearch ko sa internet na dapat gawin ng mga nanliligaw.”

“Tsk tsk. E diba nga ikaw na ang may sabi, mahina pumick-up si Dennise sa mga ganong bagay. “

“Nahihiya ako magsabi e.”

“Ewan ko sa’yo Alberto.”, sabi ni Andie sa kanya habang iiling-iling.

Nginitian nya lang naman ito.

Mayamaya ay nakarating na sila sa tapat ng unit ni Denden. Kinatok nila ito.

“Sandali lang!”, narinig nilang sigaw ni Dennise mula sa kabilang pinto.

Naghintay sila ni Andie at hindi naman nagtagal ay lumabas na din si Dennise.

Literal na napanganga sya nang makita ito.

Dennise was only wearing a simple chambray shirt and black denim shorts and a pair of blue espadrilles and yet Alyssa find her hot and sexy.

Nagawi na naman ang mata nya sa mga mapuputi nitong hita na mas lalong na-emphasize ang kaputian dahil sa itim nitong shorts.

Mayamaya ay naramdaman na naman niya ang pagtama ng siko ni Andie sa tagiliran nya.

Napangiwi sya. “Oww.”

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon