Chapter 5

33.5K 436 9
                                    

3 weeks na mula nang mangyari ang ‘bagay na iyon’ sa pagitan nina Denden at Alyssa. At tatlong linggo na ring ginugulo si Denden ng kakaibang nararamdaman tuwing napapalapit kay Alyssa. At madalas pa rin nyang maalala ang nangyari.

Kung sya ay naguguluhan, ang tingin naman nya kay Alyssa ay laging lutang. Madalas nya itong nakikitang tulala at parang laging malalim ang iniisip. Lagi pang nakakunot ang noo nito.

Tulad ngayon.

“Hoy! Ano ba talagang iniisip mo at lagi ka na lang nakatulala? Wag kang mag-alala mahal ka nun.”, sabi nya sabay tapik sa balikat ni Alyssa.

Nasa gym sila ngayon at nagte-training.

Nakahalumbaba ito at hindi man lang nag-abalang tingnan sya nang umupo sya sa tabi nito.

 “Talaga? Huwag mo nga akong paasahin. Parang hindi nga e.

Nakakunot ang noong lumingon sya dito. Sino kaya ang tinutukoy nito. Dalawang linggo na din mula nang sabihin nito kay Jovee na wala talaga itong maaasahan sa kanya. At wala itong ikinukwentong anuman sa kanya.

Tiningnan sya nito sabay ngiti. Bigla na naman nyang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso nya. Isa din yon sa gumugulo sa kanya. Sa tuwing  nagtatama ang mga paningin nila ay para syang nagpa-palpitate. Pakiramdam nya ay para syang masusuka na maiihi na hindi maintindihan.

“Sa tingin mo mahal din ako nun?”, tinanong sya nito.

“Ha? O-oo naman.”

Parang may kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata nito na hindi nya mapangalanan.

“Sana nga.”, pabulong lamang ang pagkakasabi nito niyon pero nakaabot pa rin yon sa kanyang pandinig. May kaunting sakit syang naramdaman nang marinig ito. Pero bakit?

“Hey. Valdez and Lazaro. Stop using the gym as your dating place. Get back to training!”, sigaw ni Jia sa kanila.

Isa pa itong magulo. Lagi na lang sila nitong pinapansin at inaasar kapag magkasama sila ni Alyssa. Hindi naman ito ganoon noon.

Tumayo na si Alyssa at iniabot ang kamay sa kanya.

“Tara na. Baka mabadtrip si ate Jia.”

Inabot nya ang kamay nito para tumayo. Para na naman syang nakukuryente kaya agad din nyang binitawan iyon saka sya naunang maglakad papunta sa court.

- - - - - - - - - - 

Pagkatapos ng training ay pinuntahan nya siJia sa kwarto nito. Kung sino mang makakatulong sa kanya ngayon ay si Jia yon. Bukod sa parang naging guidance counselor na ito ng team, magaling din itong magtago ng sikreto. Swerte namang wala ang roommate nitong si Marge.

“Ate Ji, can I talk to you for a second?” Ibinaba nito ang librong binabasa nito.

Kumunot ang noo nito. “Sure. What about?”

Umupo sya sa silyang nasa tabi ng higaan nito.

“I, uh, think I’m sick.”

“What are you saying? You look fine.”

“No. I mean, I don’t understand what is happening to me. I feel different these past few weeks. Parang lagi akong kinakabahan. Para akong nagpa-palpitate. Minsan parang masusuka naman ako na maiihi. I don’t know what is going on.”

Napatawa ito.

“Gods Lazaro. Finally, in-admit mo na rin. I’ve been waiting since last week.”, sabi nito sa kanya.

“What do you mean?”, tanong nya rito.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon