Chapter 29

24.2K 304 23
                                    

Alyssa woke up with a headache. Pinilit nyang bumangon pero kumikirot ang ulo nya kaya nahiga sya ulit at ipinatong ang braso sa mga mata nya.

Holy Dionysus! Ano bang ipinainom ni Genil sa akin kagabi? Pampasakit yata ng ulo yun.

Mayamaya ay narinig nyang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan nya pagkatapos ay mabilis ding nagsara iyon.

So sinamahan ako ni Genil dito? Haha. Magkaibigan na talaga kami.

Nang maramadamang medyo nawawala na ang pagkirot ng ulo nya ay bumangon na sya. Dumiretso sya ng banyo at naghilamos. Napagmasdan nya ang sarili nya sa salamin.

I look like shit.

Halatang namumugto pa rin ang mata dahil sa pag-iyak nya kagabi. Nanlalalim din ang kanyang mata. Pati buhok nya ay medyo magulo.

Napasuntok na lang sya sa dingding. I’m so fucked up.

Huminga sya nang malalim at lumabas na ng kwarto. Kailangan nya ng pagkakaabalahan para malimutan ang sakit. Aayain ko uli si Genil kahit saan.

Lumabas sya ng kwarto. Hawak hawak nya ang ulo nya dahil medyo masakit pa rin iyon. Masama din ang pakiramdam nya. Gods. Hangover. Curse you.

May narinig syang kaluskos na nanggagaling sa kitchen. Naamoy din nya ang masarap na amoy ng bacon  kaya ipinsya nyang magpunta doon. Nakayukong naglakad sya papunta sa kusina habang ipinipilig ang ulo sa pag-aakalang mababawasan niyon ang sakit ng ulo nya. Pero nabigo sya, parang mas lalo pang sumakit iyon.

Tahimik syang naupo sa mesa habang nakayuko.

“Genil, wala ba akong kape dyan? Ipagtimpla mo naman ako, magkaibigan tayo e. May hangover yata ako.”, sabi nya sa babaeng inaakala nyang si Genil.

- - - - - - - - - 

“Genil, wala ba akong kape dyan? Ipagtimpla mo naman ako, magkaibigan tayo e. May hangover yata ako.”

Napatuwid  ng pagkakatayo si Denden nang marinig nya ang boses ni Alyssa. Hindi nya namalayan ang pagpasok nito sa kitchen dahil abala sya sa pagluluto ng breakfast.

Hindi nya alam ang gagawin. Akala ni Alyssa ay si Genil ang kasama nito.  Walang imik na ipinagtimpla nya ito ng kape. Nanginginig ang kamay nya habang nagsasalin ng mainit na tubig kaya muntik na syang mapaso. Kinakabahan syang harapin si Alyssa.

Huminga muna sya nang malalim bago humarap kay Alyssa.

Kaya pala akala nya ako si Genil.

Nakita nya itong nakayuko at nakahawak sa ulo nito.

Masakit ba ang ulo mo, Ly? Gusto mo masahehin ko? Muntik na nyang itanong kay Alyssa buti na lamang at napigilan nya ang sarili.

Inilapag nya ang itinimplang kape sa harap nito pero nanatili lang syang nakatayo sa likod nito.

Tiningnan nito ang kapeng nasa harap nito.

“Wow. Pinagtimpla mo nga ako. Grabe, sobrang sakit ng ulo ko. Kahit papaano nalilimutan ko ang sakit ng puso ko. Haha.”

Humigop ito ng kape.

“Genil, samahan mo ako. Kailangan kong magkaroon ng pagkakaabalahan. Kung pwede lang magpapakalayo-layo na ako.”

Nasaktan sya sa sinabi ni Alyssa. Nangilid na naman ang luha nya.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon