Chapter 14

27.7K 378 8
                                    

“Ma, Pa, si Den......girlfriend ko.”

Walang reaksyon ang mga magulang ni Alyssa matapos sya nitong ipakilala sa kanila. Nakatingin lang ang mga ito sa kanila.

Halos hindi na sya humihinga sa kaba. Eto na ang ikinatatakot ko! Hindi nila ako gusto! Hindi nila ako tanggap!

Nangingilid na ang luha nya nang biglang tumawa ang papa ni Alyssa at ngumiti nang maluwang ang mama nito. Napatingin sya kay Alyssa na nakatingin din pala sa kanya. Parang nagpipigil itong tumawa.

Tumayo ang papa ni Alyssa at tinapik ang anak sa balikat. “Finally, princess. Tatlong taon na naming hinihintay marinig sa’yo yan. Congrats!”

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Hi, iha. Welcome to the family!” Niyakap pa sya nito. Nagtatanong ang matang tumingin sya uli kay Alyssa. Nakangiti lang ito sa kanya.

Pagkatapos syang yakapin ng papa ni Alyssa ay hinila naman ng mama nito ang kamay nya at pinaupo sya sa tabi nito.

“Kumusta ang anak namin, iha? Hindi na ba sya masyadong inaatake ng sakit nya?”, tanong ng mama ni Alyssa sa kanya.

Natigilan sya. “M-may sakit po si Ly?”

“Oo, anak.” Tumingin ito kay Alyssa. “May topak yan, hindi mo ba alam iha?”

Napatawa sya. “Yun po ba? Haha. Minsan nga po inaatake sya e. Bigla-bigla na lang po syang hindi nagsasalita tapos nagagalit po sya kapag maingay ako.” Tumingin sya kay Alyssa. Nakasimangot na ito.

“Ma naman, wag mo naman akong ibenta kay Den.”, sabi ni Alyssa.

“I’m not selling you, princess. Nagtatanong lang ako.”, sabi naman ng mama ni Alyssa. “Pumunta ka muna sa mga pinsan mo. Iwanan mo muna dito si Denden sa amin. Kanina pa sya hinihintay ng mga tito at tita mo. Mamaya mo na sya ipagyabang sa mga pinsan mo ha.”

Napatingin sya kay Alyssa. Maiiwan ako dito?! Paano kung i-torture nila ako para makipaghiwalay kay Alyssa?! Wag kang papayag, Ly!

“Sure, Ma. Pero let me talk to her first.”

“Okay. Bilisan mo at marami kaming pagkekwentuhan.”

Inabot ni Alyssa ang kamay nya. “Yes, Ma.”

Dinala sya ni Alyssa sa may tabi ng bahay ng mga ito kung saan hindi sila masyadong pansin.

“Ly, iiwan mo akong mag-isa kasama ang mama mo?”, tanong nya agad kay Alyssa.

Napatawa ito. “Babe, don’t worry. Kasama mo ang mga tito at tita ko. Andun din si Papa.”

Napasimangot sya. “Yeah, right. Lahat sila kamag-anak mo.”, sarkastiko nyang sabi.

“Hahaha. Den. You’ll be fine. Tutuksuhin ka lang nila nang hardcore pero you’ll be fine. Just be yourself.”

Hinalikan sya nito nang mabilis. “Let’s go back.”

“O-okay.” Hinila sya nito pabalik sa table ng mga magulang nito. This time marami nang nakaupo doong mga babae na malamang sa malamang ay mga tita ni Alyssa kasama ang ilang mga lalaki na hula naman nya ay mga tito ni Alyssa. Ang bilang nya ay nasa 12 ang mga taong ‘magi-interrogate’ sa kanya kasama ang mama at papa ni Alyssa.

Bago sila makalapit sa mga ito ay bumulong sa kanya si Alyssa. “Wag kang kabahan. Lalo kang aasarin ng mga yan. Malakas yan mantrip.”, sabi nito sa kanya.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon