Chapter 13

29.2K 323 8
                                    

“Ate Ji, anong gagawin ko?”, tanong ni Denden kay Jia. Sila lang dalawa ngayon ang nasa dorm dahil nagsilayasan ang mga kasama nila sa kung saan samantalang si Alyssa naman ay pumunta ng bookstore para bilhin ang aklat na ipinangako nito kay Jia. Isang linggo na kasi na kasing atrasado ang pangako nito sa kapitana nila.

“What if hindi ako magustuhan ng parents ni Ly bilang, you know, girlfriend nya? Wait, di lang pala parents ni Ly ang nandoon, halos buong angkan nya pala. Paano kapag hindi nila ako nagustuhan? What if magalit sila kay Ly dahil sa akin? Paano kung pilitin nila kaming paghiwalayin? Paano kapag ganon Ate Ji?!” Hindi nya kakayanin kapag ganon ang nangyari. Mahal na mahal nya si Alyssa. Hindi nya kakayaning mawala ito sa kanya.

Sinulyapan lang sya ni Jia pagkatapos ay ibinalik na rin nito ang tingin sa binabasa nito.

“Ate Jia?! Hindi mo man lang ba ako sasamahan mag-histerikal? Akala ko ba magkaibigan tayo?”, sabi nya kay Jia.

“Pwede ba Lazaro, sobrang ingay mo.”, sabi lang nito sa kanya.

“E pano kasi one week na lang bago yung family gathering nina Ly. Kinakabahan na ako!”

Ibinaba nito ang librong binabasa at tumingin sa kanya. “Exactly! One week PA. Kaya wag kang OA.”

Tumayo ito at kumuha ng tubig sa ref. “Her family will like you. No, they’ll love you.” Bumalik ito sa kinauupuan nito at ngumiti sa kanya.

“Paano mo naman nasabi?”, tanong nya.

Nagkibit ito ng balikat. “Valdez is happy whenever she’s with you. They’ll notice that and makikita nilang may kakaibang kislap ngayon ang kanyang mga mata....” Kinuha uli nito ang librong binabasa. “....dahil sayo.”

“Lalim ha.”, sabi na lang nya pero sa loob-loob nya ay nagdidiwang na sya. Kapag si Jia kasi ang nagsasabi malamang sa malamang magkakatotoo yon.

“Yo guys.”

Sabay silang napalingon ni Jia sa pinto para tingnan kung sinong dumating. Si Alyssa pala.

Lumapit si Alyssa sa kanya at humalik sa pisngi nya. “Hi, love.” Umupo ito sa tabi nya at tinitigan sya. Pagkatapos ay sinalat nito ang noo nya pagkatapos ay ang leeg nya.

“May problema ka ba? Inaway ka ba ni Ate Ji? May sakit ka? Bakit parang namumutla ka?” Tumingin ito kay Jia.

“She’s not sick, Valdez. Ninenerbyos lang yan.”, sabi ni Jia.

Bumalik ang tingin sa kanya ni Alyssa. Hinawakan nito ang kamay nya at hinalikan.

“Why?”

Hindi nya alam ang isasagot kaya hindi sya nagsalita.

“Kinakabahang humarap yan sa pamilya mo. Naghihisterikal na nga yan kanina.” Si Jia na ang sumagot para sa kanya.

“Lalabas lang ako. Kayo munang bahala dito sa dorm. Kapag may nawala dito kahit isang gramo ng alikabok wag kayong magpapakita sa akin.” Tumayo si Jia at umalis.

“Sure ate Ji.”, sabi ni Alyssa kay Jia.

Inayos naman ni Alyssa ang upuan nilang dalawa para magkaharap sila.

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok nyang lumalaylay sa mukha nya.

“Was that true? Natatakot ka bang humarap sa family ko? Hindi ka pa ba ready?”, masuyong tanong nito sa kanya.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon