Give In To Me

9.3K 75 7
                                    

Hello, first time ko magsulat so.. pasensya na po kung medyo magulo. Kung may mga typo man po. Pasensya na rin. hihi. Sana po magustuhan niyo.

Dahil panahon ng mga fics dahil kalma ang lahat dahil sa mag-babe. Eto ang pinagkakaabalahan ko. :)

Para sa mga baliw ng #TeamPethics to :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Wag ka ngang nerbyosa, dali na Sarah,” Sarah’s roommate Rachel Ann Go begged.  Magkasama sila sa bahay for the past two years simula nung binigay ng lola ni Rachel ang apartment sakanya. At since ideal naman dahil patapos na ang internship ni Sarah sa isang advertising company na maliit lang ang sweldo. kaya sobrang tipid ni Sarah. 

Pero ngayong tapos na ang internship, hirap na hirap si Sarah na maghanap ng trabaho, sa dami ng inapplyan nya, dalawa lang ang tumawag. Ang una eh ang IMO's, isa sa pinakamalaking advertising firm sa Makati, pero ng pumunta siya sa interview, ang trabahong inoffer nila eh ang maging secretary, na hindi naman niya nagustuhan. Pangalawang tumawag ang Anderson & Anderson, isa sa pinakabagong company sa advertising business. Alam nya naman na kaya lang siya tinawagan ng kumpanya dahil nagtatrabaho ang pinsan nyang si Maja sa opisina. Pero wala na siyang paki, kailangan nya ng trabaho, at kailangan nya magbayad sa apartment.

“Di ko maiwasang di nerbyosin Shin, ito na yun. my last chance. Kapag di pa ko nakapagtrabaho, sa kalye na ko pupulutin at manghihingi ng pera sa mga taong di ko kilala. Iiyakan mo ko sa una, pero makakalimutan mo din ako, magiging pulubi ako sa kalye na dinadaan daanan mo. magbibigay ka ng piso piso papunta sa high paying job-” 

“Sarah!” Hinila siya ni Shin sa braso at yinuyugyug siya para tumahimik. “Kailangan mong tumahik at wag kang magself pity! Una sa lahat, hindi ka titira sa kalye dahil di ko hahayaang mangyari yun, alam mong may pera pa ko galing dun sa mga random gigs ko, kung kailangan kong magbayad for you habang kaya ko-” 

“I couldn’t ask you to do that,” Pagpigil sa sasabihin sa kaibigan, kahit natatouch siya sa mga kayang ibigay sakanya ni Rachel. Alam niyang nagiipon ang kaibigan para sa future nya. Ito rin ang rason bakit siya kumakanta kanta sa bar, gusto niya lang magipon bago niya gawin yung kung ano talaga ang gusto niyang gawin. Ang maging isang teacher. Hindi mukhang teacher si Rachel, pero yun talaga ang gusto niyang gawin sa buhay nya. Ang maging isang elementary teacher. 

“You’re not asking Sarz,” Sagot ni Rachel sakanya , “I’m offering. Pero seryoso I don't think na dadating tayo sa point na yun. Alam ko na naiirita ka kasi may backer ka dahil kay Maja, na hindi naman dapat ikahiya. Kasi magaling ka. at magagawa mo ang dapat mong gawin, magugulat sila sayo. I have faith in you.” 

Napangiti nalang si Sarah at niyakap si Rachel, bago inayos muli ang kanyang damit. Halos isang buong araw ang gingugol nya para lang sa suot nyang damit. Isang black skirt just above the knee, green top at isang black jacket. Sabi kasi ni Rachel, parang nagniningning ang mga mata nya kapag nakasuot siya ng green. Sana makatulong ito, wala siyang paki dati sa itsura nya, pero sabi ni Maja. Appearance is almost half of the job. 

“Okay sige, aalis na ko. Ayokong malate at alam mo naman ang traffic,” Umoo lang si Rachel at inayos ang jacket nya. “Sobrang salamat Shin.” Nagyakapan silang muli, bago kinuha ang bag at lumabas na ng apartment. 

Give In To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon