I

1M 14.7K 1.3K
                                    

Chapter One
   
   
Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko sa table bago ko kinuha ang bag ko at naghanda na sa pag-alis. Alas onse na pero nandito pa rin ako sa office. Tinapos ko kasi ang report na ipapasa ko kay Mr. Lazares. Ito na ang pinakahuling report na ipapagawa niya dahil bukas ay iba na ang magiging boss ko. Ang anak niya.

Napabuntong hininga ako sa pag-alala sa kanyang pagbabalik. Sa mga oras na ito, nasa bahay na siguro siya. Ang sabi ni tita Cecile, alas otso daw ang oras ng paglapag ng eroplanong sasakyan ni Warren. Ilang oras na rin ang nakalilipas, baka natutulog na siya.

Pinatay ko ang ilaw bago ako lumabas ng office at nagtungo sa elevator. Ako na lang siguro ang tao dito, pati ang mga nagbabantay. Hindi naman ako takot, mababait ang security personnel dito.

"Ingat po sa pagda-drive, miss Claire!" bati ni mang Karding nang makasalubong ko siya sa main door ng building.

"Salamat po, mang Karding. Mauna na po ako," paalam ko bago ako lumapit sa aking sasakyan.

"Warren will come home tomorrow," sabi ni tita Cecile habang nasa hapag.

"Gano'n po ba," sabi ko na lang nang wala akong mahanap na salitang sasabihin.

Hindi ko naman sila kaano-ano. Ang mama ko ay ang mayordoma ng mga Lazares. Pinag-aral at pinatitira nila ako dito kapalit ang sweldo ng mama ko. Ngayong nakapagtapos na ako, sa kompanya rin nila ako nagtrabaho bilang secretary ni tito Winston.

Actually, two years na akong nagtatrabaho dito. I started as an intern when I was in my junior year in college. I did not stop since then, I worked as a part-time and then full-time after I graduated.

"Uh-huh. He'll replace Winston and you need to guide him in the business since you've work as Winston's secretary for almost two years now."

"Wala pong problema," sagot ko.

"Sa Friday na rin ang start niya sa office. Sa Saturday, may importante ka bang gagawin? Shop with me." dagdag ni tita Cecile.

"Sige po. Tapos ko na rin naman ang report ko for this month."

Malapit ako kay tita Cecile, parang anak na rin ang turing niya sa akin. She and her husband treated me as a daughter they never had.

"Naku, Claire! Masyado ka talagang workaholic. You need a social life. A girl like you should spend more time on a night out than in the office. Kaya wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon, eh."

"Tita naman.." nahihiyang sabi ko.

"Babalik na pa naman si Warren. Naku, bantay sarado ka ulit do'n!" natatawang komento niya na ikinapula ng pisngi ko.

Kung alam lang niya.

Kung alam lang niya na ilang taon na akong umaasa at naghihintay sa anak niya.

Nabalik sa kasalukuyan ang isip ko nang marinig ko ang malakas na busina ng kotse. Go na pala ang signal sa stop light. Nagmaneho na ako at nagpasalamat na hindi traffic ngayon.

Makalipas ang halos tatlongpung minuto, nakarating rin ako sa mansyon ng mga Lazares. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa likod ng isang Toyota Vios na nakaparada rin sa malawak na garahe bago ako lumabas ng sasakyan at pumasok sa bahay.

Nakapatay na ang ilaw. Tulog na yata ang mga tao. Kinapa ko ang switch malapit sa hamba ng pinto at binuksan ang mga ilaw.

Nabigla ako sa isang pamilyar na pigura na nakahiga sa sofa sa receiving area.

"Warren," I said breathlessly. My sleeping heart started to beat rapidly.

Sinamantala ko ang kanyang nahihimbing na kalagayan. Tinitigan ko siya at agad kong nahalata ang pagbabago ng kanyang katawan sa loob ng limang taon.

Ang mga braso niyang, medyo payat noon ay maskulado na. Halata rin ang kanyang pagtangkad. Ang maamo niyang mukha noon ay nagmukha ng pilyo at masungit. Even at his sleeping state, he looked grumpy yet manlier as ever.

"Do you always come home late from work?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang siyang nagsalita.

"Gising ka pala?" tanong ko kahit halata naman ang sagot. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at minuwestrang maupo ako sa tabi niya. Sumunod ako.

"Ang pangit mo na," sabi niya nang nakaupo na ko sa tabi niya. Nakaplaster ang isang malaking ngising kay tagal ko nang hindi nakikita sa kanyang mukha.

"Heh! Kararating mo lang 'yan agad ang bungad mo sakin?" Ramdam kong pumula ang mga pisngi ko.

Na-conscious tuloy ako bigla. Bakit ba hindi ko man lang naisipang mag-retouch kanina bago ako umuwi?

"Joke lang." Ngumisi siya. He was playful before and he is still now. I should have known he'd play with my heart too.

"Namiss kita, hindi mo ba ako na-miss?" he added.

I smiled wryly.

Four years. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong iakto sa loob ng apat na taon na wala kaming komunikasyon.

We should feel awkwardness because of what happened before but I am longing for him instead. I've missed him. Despite of the acts he did or did not do for the past four years, I've been missing him.

"Hindi," kabaligtaran ang isinagot ko. "Dapat nagtagal ka pa doon ng mga sampung taon, baka sakaling ma-miss na kita kapag gano'n," dagdag ko na ikinasimangot niya.

"Tsk. Hinintay pa naman kita ng halos dalawang oras tapos ganiyan lang ang isasalubong mo sakin?" sabi niya habang nakanguso pa.

'Wag ganito Warren, please.

Gusto kong magtampo sa kanya, gusto kong sigawan siya. Pero hindi ko kaya, hindi ko alam ang dapat kong gawin.

"Joke lang, syempre na-miss kita. Wala ka bang pasalubong sakin?" pag-iiba ko sa usapan.

Lumiwanag ang kanyang mukha. "Marami. Let's go to my room."

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi naman sa iyon ang unang beses na papasok ako sa kwarto niya pero halos limang taon na rin kasi akong hindi pumapasok do'n. At hindi na magandang tignan na manatili kami doon ng kaming dalawa lang sa ganitong oras.

"Inaantok na kasi ako, eh." pagdadahilan ko. "Puwedeng bukas na lang? Marami pa namang ibang araw."

Napanguso siya ulit pero tumango siya kapagkuwan. "Okay. Have you eaten already?"

Tumango ako.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Fine. Just let me walk you to your room," sabi niya bago tumayo. Sumunod na lang ako.

"Goodnight. I've missed you so much Mary Claire." ani Warren nang nakarating na kami sa pinto ng kwarto ko. Katapat niyon ay ang kwarto niya naman.

"I-I've missed you too." Hahakbang na sana ako patalikod nang hinila niya ang kamay ko.

The next thing I knew, I was wrapped around his arms. His face was buried on my neck.

"Ang daya mo, ang daya-daya mo," bulong niya sa naiiyak na boses na ikinanuot ng noo ko.

Ano'ng ginawa ko? Ano ang atraso ko sa kanya? 'Di ba siya ang may atraso sa akin?

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon