XXVIII

281K 4.3K 38
                                    

Chapter Twenty-Eight
  
  
Pupungas-pungas akong nagmulat ng mga mata. Inilibot ko ang paningin ko sa kwartong hindi pa ko sanay na mamulatan sa umaga. Mag-isa na lang ako do'n samantalang kagabi ay may dalawang mamang nangungulit sa akin sa kama.

Napuyat kami kakanood ng wedding ceremony namin ni Warren na naka-burn sa isang dvd. Sumakit ang ulo ko sa mga di pamilyar na mukha na sinasabi ni Warren na malalapit daw sa akin. Hindi ko pinansin ang pagpapakilala niya sa bawat taong madadaanan ng camera dahil tutok ang mga mata ko sa aming dalawa.

Buog araw kahapon ay wala kaming ginawa kundi mag-reminisce. Halos hindi na nga siya tumigil kakapa-alala sakin ng mga nakalimutan ko noon. Sumasakit ang ulo ko sa kakulitan niya pero hinayaan ko na lang dahil mukhang sabik talaga siya na magbalik ang mga alaala ko.

Napangiti ako nang maisip ang ginawang pagtatalo ng mag-ama sa kung sino ang makakatabi ko sa pagtulog pagkatapos namin manood. Nangungulit kasi si Wayne kagabi dahil gusto niya daw akong katabi.

"Hindi pwede. Ako ang asawa niya kaya ako dapat ang katabi niya sa pagtulog!" parang batang pakikipagtalo ni Warren sa anak niya.

"No way! I'll sleep in the middle!" masungit na ganti naman ni Wayne kay Warren.

"No! Do'n ka sa kwarto mo!" ani Warren habang tinutulak si Wayne nang marahan palabas ng pinto.

"Ayaw ko do'n!"

"Ayaw kitang katabi!" singhal na parang bata ni Warren.

"Well, you can sleep in my room instead, if you don't want to sleep beside me and Mom." parang matanda namang sagot ni Wayne sa ama.

"Mary Claire, tulungan mo nga 'ko dito! Ang kulit ng anak mo!"

Natatawang napapailing-iling na lang ako. "Kanino pa ba magmamana 'yan kundi sayo?"

"Help me, please?"

"Bakit? Ayaw naman kitang katabi." Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya sa sinabi ko habang si Wayne naman ay napa-'yes!'. "Wayne, baby, come here." sabi ko pa.

Kaya kagabi ay nauwi kami sa pagtulog na ako ang nasa gitna imbes na yung bata. Patagilid ko na lang na niyakap sa Wayne para hindi mahulog sa kama habang si Warren naman ay patagilid ding nakayakap sa akin. Ang hirap magkaroon ng boys na ubod ng kulit.

Pagbaba ko ay nakita ko ang dalawang boys ko na busy'ng nagluluto sa kusina. Pareho pa silang nakasuot ng apron na may superhero costume design. 

"Mom, you're awake!" ani Wayne nang namataan niya akong nagmamasid sa kanilang mag-ama. 

"Good morning, baby." bati ko sabay yuko palapit sa kanya para manghingi ng halik.

Nakapamaywang siyang umiling-iling. "I'm not a baby anymore, mom. See? I'm Spiderman." aniya habang magkasalubong ng dalawang kilay. Pinakita niya pa talaga sakin ang apron niyang suot.

Natatawang binuhat ko siya pababa ng upuang kinatatayuan niya malapit sa stove. "Baka matalsikan ka ng mantika, Spidey."

"Mom, you're ruining it! Just sit there, okay? Let Captain and I do the work." magiliw niyang saad. 

Hinatak niya pa ako paupo sa dinning table bago bumalik sa upuan at tumuntong na naman.

Pinanlakihan ko ng mga mata si Warren na tatawa-tawa lang na nagmamasid sa amin. "Bantayan mo 'yang anak mo." sabi ko na sinagot niya lang ng kindat.
  
    
"Are we always like this?" tanong ko nang maalala ko ang napag-usapan naming goal nila kahapon. Sabi niya gagawin daw namin yung mga bagay na usually naming gawain noon para makatulong sa pagbabalik ng alaala ko. Kasama ba 'to? Daily routine ba namin 'to?

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon