XVIII

373K 5.4K 319
                                    

SPG: S
  

Chapter Eighteen
 
 
"Are you okay?" tanong ni Warren, binitawan niya ang gear at hinawakan ang kamay ko.
 
Nagda-drive siya ngayon papunta sa isa na namang out of town meeting.

"Hindi. Bakit ba sinama mo na naman ako sa meeting mo? Baka mamaya matulad 'to sa nauna." naiinis kong saad.

Hindi ko naman alam na sa Baguio pala kami pupunta, nalaman ko na lang nang napansin kong ibang daan yung tinatahak namin imbes na sa L Corp. At nung tinanong ko siya kung saan kami pupunta, ayun nga, sa meeting niya daw out of town.

"Don't worry, I made sure na hindi na ulit mangyayari 'yon. Babae ang ka-meeting ko ngayon." Ngumisi siya.

Tumaas ang kilay ko. "Babae pala, eh. Bakit mo pa 'ko sinama? Baka mamaya makaistorbo pa 'ko sa kung anumang gagawin niyo." makabuluhang kong sabi.

"Nagseselos ka ba? Kaya nga kita sinama para hindi ka magselos."

Inirapan ko siya. "Kahit hindi mo naman ako isama, hindi pa rin ako magseselos."

"Tss. Ayaw mo ba 'kong kasama?" Umarte siyang nasasaktan pero halata namang nagpipigil siya ng ngisi.

"Gusto." pabulong na lang na sabi ko.

"Talaga?" masaya niyang tanong. "Kiss mo nga ako kung gano'n."

"Heh! Ayan ka na naman, eh."
     

"Michelle," acknowledge ni Warren sa babaeng nasa mid-fifties ang edad.

Tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan at nakangiting naglahad ng kamay kay Warren.

"Warren, long time no see! How have you been?" anang ginang sa Australian accent. Blond ang buhok niya, matangkad sa karaniwang height ng mga Pilipinang babae, sobrang tangos ng ilong at abuhin ang mga mata.

"I've never been good." Halata nga kasi sobrang laki ng ngiti nito.

"Shall we sit?" aniya bago ako ipinaghila ng upuan.

"And who's this lovely lady?" masuyong tanong ng ginang.

Nakita kong ngumisi si Warren mula sa aking peripheral vision. "My wife. Mary Claire, this is Michelle Andrews. Mich, you know her already." aniya sabay tingin sakin at kindat.

Nakatulala lang akong nakaupo doon.

Wife? Marriage? Doon na ba talaga ang punta namin? Parang ilang linggo pa lang mula nang nagkabalikan kami tapos.. Sabagay, siya naman talaga, simula pa noong mga bata pa lang kami, ang nabi-visualize kong lalaki na makakasama ko sa pagtanda.

Biglang pumasok sa isipan kong ang itsura ng magiging kasal namin. Nakikita ko ang sarili kong naglalakad papuntang altar suot-suot ang isang magandang gown, marahang tumutulo ang aking mga luha kahit nakangiti ako. Tutok na tutok ang mga mata ko sa lalaking papangakuan ko ng habambuhay.

Tuloy-tuloy ang mga imaheng pumapasok sa isip ko, hindi ko na napansin na nagde-daydream na pala 'ko. Pati yung honeymoon namin, ini-imagine ko na pala. 



"May bagyo ba?" nababahalang tanong ko kay Warren.

Pa'nong hindi ako mababahala?Nai-stranded kami dahil sa mga nagbagsakang puno sa daan. Natumba siguro dahil sa lakas ng hangin. Madilim ang kalangitan at mula doon ay nagbabagsakan ang malalaking patak ng ulan.

Wala naman kaming makitang mga bahay at tao kaya wala kaming mapakiusapan na tumulong sana sa pagbuhat at pag-alis ng mga ito sa kalsada.

Pauwi na kami mula sa meeting niya na masasabi kong pakikipagdaldalan lang tungkol sa mga irrelevant na bagay. Ewan ko ba kay Warren kung bakit bumyahe kami ng pagka-layo-layo para lang makipag-chikahan kay Mich. Ayan tuloy, hindi kami makaalis. Ang lakas pa naman ng ulan, may kasama pang kulog at kidlat.  

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon