XVII

332K 4.9K 174
                                    

Chapter Seventeen

    
"Baby, lunch na tayo." ani Warren nang lumapit siya sa table ko na katabi ng sa kanya.

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang nagkaayos kami. Mula no'n, naging mas sweet na siya sakin. Sabay kaming mag-almusal, pumasok sa trabaho, mag-lunch, dinner at sabay rin sa pag-uwi. Halos hindi na nga kami naghihiwalay, eh. Kulang na lang, sabay na rin kaming magising, maligo at matulog.

"Ang cheesy mo, sir!" pang-aasar na ni Kevin na ikinatawa ko at ikinaasar naman ni Warren.

"Shut up Torres or I'll fire you."

Nagkamot sa ulo si Kevin. "Easy lang, sir."

Tumayo ako at hinawakan si Warren sa braso. "Ang cheesy mo naman talaga, sir eh." natatawang pang-aasar ko rin.

Totoo naman, eh. Sa laki ng katawan niya, nagmumukha siyang malambot kapag bine-baby niya ko. Nababawasan yung musculinity niya sa katawan kapag naglalambing pero mas hot naman ang dating.

"Bakit? Ayaw mo?" naaasar na sabi niya.

Ngumisi ako. Sa tanang buhay ko, hindi ko pa siya natalo sa asaran namin. Laging ako yung napipikon. Siguro ngayon may chance na akong manalo sa asaran namin kasi alam ko na kung anong buttons ang ipu-push.

"Ayaw ko." nang-aasar kong sabi. "Hindi muna 'ko sasabay sayo, sasabay ako sa mga bago kong kaibigan." patuloy ko pero hindi naman ako seryoso. Wala naman akong ibang kaibigan dito bukod kay Kevin dahil nakakulong lang ako sa apat na sulok ng kwarto na 'to simula pa noong si Tito Winston pa ang boss ko.

"What? Sinong kaibigan? Ipagpapalit mo 'ko dun?" Ngumuso siya.

Tumawa ako. "May utang akong libre kay Kevin, 'di ba Kev?" baling ko kay Kevin at kinindatan ko siya para makisakay.

"Oo nga."

"Fine. Hindi na lang ako kakain. Magpapakamatay na lang ako sa gutom." aniya sabay walk out.

"Hoy! San ka pupunta?" Habol ko.

"Sa canteen!"

"Akala ko ba hindi ka kakain? Magpapakamatay ka sa gutom, 'di ba?" pang-aasar ko nang naabutan ko siya. Nakasakay na kami ngayon sa elevator.

"Ewan ko sayo."

"Selos ka lang, eh." Sinundot ko siya sa kanyang tagiliran.

"Selos ka d'yan. Hindi, 'no." Nakangusong sabi niya habang sinasalag ang amba kong pangingiliti sa tagiliran niya.

"Weh? Ganito ka rin kay Cedric nun, eh? Ang sungit-sungit mo 'pag nagseselos ka." natatawang sabi ko.

"Kasalanan mo. Pinagseselos mo 'ko! At bakit hanggang ngayon nasa isip mo pa rin yung instik na yun? At consistent ka talaga sa pagtawag ng Cedric sa kanya, ah!" Ngumisi lang ako. Nakakakilig pala mapikon si Warren.

"What are you smiling at? Gusto mo ba talaga yun? Sasapakin ko yun 'pag nagkita ulit kami."

"Ewan ko sayo. Sarap mong asarin." Kinurot ko siya sa tagiliran bago niya 'ko iniwan sa table para umorder ng pagkain namin.

"Humanda ka sakin 'pag balik ko," narinig ko pang bulong niya.

Pagbalik niya ay sambakol pa rin ang mukha niya. Nanunulis ang nguso habang nakakunot ang noo.

"Bakit ganyan yung mukha mo?" natatawang sabi ko.

Aba, hindi ako pinansin?

"Hoy," usal ko sabay sundot sa tagiliran niya. Hindi pa rin ako pinapansin.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon