~{ E P I L O G U E }~

222K 5.1K 1.3K
                                    

~{ E P I L O G U E }~

KYRA's POV

It was in high school when I first met Alex...

"Ah kuya, saan yung room ng 1-Truth?" yan ang kauna-unahang mga salitang sinabi ko kay Alex. Yang mga salitang yan ang nagsimula ng lahat-lahat sa amin.

"Katapat lang ng room namin yung room n'yo, tara sabay ka na sa akin," yan naman ang mga unang salitang narinig ko mula sa kanya. Ang gwapo ng boses n'ya, kasing gwapo n'ya.

Tandang-tanda ko pa kung gaano kacool ang itsura n'ya noong humarap s'ya sa akin para sabihin iyon. Sobrang refereshing ng ngiti n'ya noong ngitian n'ya ako. Hindi na nga ako nakasagot pa eh, tahimik lang akong naglakad kasabay n'ya. Nakakawala ng hininga ang itsura n'ya. S'ya ang pinakagwapong nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko... yun ang first impression ko sa kanya.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad kami noon ng magkasabay. Sa kakatitig ko sa kanya, di ko na nga namalayan na nasa tapat na pala ako ng room namin.

Napag alaman kong ahead s'ya sa akin ng 2 years. Freshman ako, third year high school naman s'ya. Because of his looks, top notch grades at angking galing sa pagsasayaw, kilalang-kilala s'ya sa buong high school building. Marami s'yang fan-girls at admirers mula sa iba't-ibang year at sections. At noong unang beses kong makita s'yang magsayaw noong Acquaintance Party namin, agad akong napabilang sa mga "admirers" na yun.

Palagi ko s'yang pinagmamasdan, palagi akong nanonood ng dance rehearsals nila at ng mga performance ng group nila sa tuwing may event o contest sa school. Since hindi ako kasing loud at vocal noong ibang babaeng humahanga sa kanya, nakuntento na lang akong pinagmamasdan at inaadmire s'ya sa malayo... But then one day... sa di malamang dahilan... noong Valentine's party sa school namin, ako ang inaya n'ya para maging first dance n'ya.

Hindi ako makapaniwala noon, halos matulala ako noong lumapit s'ya sa harap ko para hingin ang kamay ko. Halos lahat ng babae dun sa loob ng hall, sa aming dalawa lang nakatingin. Nakasuot s'ya ng coat and tie noon, at sobrang gwapo n'ya lalo, mukhang prinsipe. Samantalang ako, isang simpleng white dress lang ang suot, di hamak na sobrang plain kumpara sa ibang babaeng nandoon sa hall. Kaya naman noong inaya n'ya akong makasayaw, pakiramdam ko, bigla akong napasok sa isang fairy tale. Pakiramdam ko bigla, ako si Cinderella, kahit na hindi ako naka glass slippers at wala akong fairy god mother.

Habang sinasayaw n'ya ako, nakatingin lang s'ya sa mga mata ko, hindi inaalis ang titig n'ya. Ngumingiti pa s'ya sa tuwing titingnan ko ang mukha n'ya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa, ang mga braso ko, nakasabit sa leeg n'ya. Ang mga kamay n'ya, hawak-hawak ako sa beywang. Tinanong ko s'ya noon kung bakit ako ang napili n'ya. Sabi n'ya, noong una palang n'ya akong makita, agad na s'yang nagandahan sa akin, hindi lang n'ya pinahalata. Tinawag n'ya akong maganda! Agad akong kinilig nang marinig yun.

Buong gabi, ako lang ang sinayaw n'ya, walang iba. Kahit na ang sama ng tingin sa akin ng ibang babae sa hall, hindi ko na yun napansin. Si Alex lang ang nakikita ko noong gabing yun. Ako at s'ya lang ang bida para sa akin noong mga oras na iyon. For me, that night, was one of the most romantic part of my life. Isang gabing alam kong ilang ulit kong babalik-balikan.

Everything went fast after that. So fast na pakiramdam ko minsan nananaginip lang ako. Sinabi sa akin ni Alex na gusto n'ya ako, at nagpaalam s'ya kung pwedeng manligaw. Sino ba naman ako para tumanggi? Second year high school ako noong maging kami, fourth year high school naman s'ya.

Noong graduation party ni Alex, doon ako nakitulog sa bahay ng best friend kong si Lexy. Hindi kami legal ni Alex sa bahay namin since strict ang parents ko at puro mga sigang lalaki ang mga kapatid ko. Nagsinungaling ako sa kanila na may sleep over ako kasama si Lexy, when ang totoo, aattend lang talaga ako ng graduation party ni Alex, gabi kasi yung party na yun.

[OHG SIDESTORY- Skyler Sy ] : Mr. Playboy, YOU'RE A DADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon