CHAPTER 7- Rule # 1

176K 3.7K 871
                                    

CHAPTER 7- Rule # 1

SKYLER's POV

"Tyler, kailan mo nalamang mahal mo si Yuri?"

*cough cough cough

Nasamid s'ya kasi kasalukuyan s'yang sumisipsip ng slurpee nung magtanong ako.

"Bro okay ka lang ba?" sabi ko habang pinapat s'ya sa likod, medyo umuubo parin s'ya.

"Sky Bro naman kasi, ano bang nakaen mo at bigla kang nagtanong ng ganun?" 

"Ang dami mo talagang sinasabi lage, sumagot ka na lang bro."

Sumipsip s'ya ng slurpee tapos kumaen ng isang pirasong chips bago sumagot, "Kailan ko nalaman na mahal ko si Yuri? Hmm, actually bro hindi ko alam kung kailan ko nalaman eh. Ang hirap sagutin ng tanong mo."

"Hay, o sige ganito na lang, paano mo nalaman na mahal mo na si Yuri?"

Tumingin s'ya sa kisame saglit parang naghahanap ng sagot doon tapos tumingin s'ya sa akin atsaka umimik, "Sabi nila Sky bro, nobody is perfect until you fell in love with them. The first time I met Yuri, she is just some girl na kapareho lang ng lahat ng babae sa paligid ko, there's nothing special about her, pero isang araw nagising na lang ako na s'ya na yung pinakaperpektong bagay na nakita ko. 'Damn I'm in love with this girl.' nasabi ko na lang yan isang araw habang pinagmamasdan s'ya without even thinking about it. And that's it, I just knew, I just knew I was in love with her."

"Ang vague naman ng explanation mo bro. Para kang yung teacher natin sa Psychology."

"Haha, eh kasi naman Sky bro, you don't think about love, you feel it. Wag mong masyadong isipin, pakiramdaman mo."

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga baduy at malalim na explanation nitong friend zoned kong kambal, "A ewan! Wag na nga lang, manood na nga lang tayo." sabi ko tapos humarap na ako sa tv.

"Gusto mo bang malaman kung mahal mo ang isang tao?" biglang nakasabi sabi si Tyler ng ganyan, ako naman tuloy ang nasamid habang umiinom ng slurpee.

"*cough cough* A-ano?"

"Pumikit ka bro."

"Huh?"

"Basta pumikit ka!"

"Tsk, o tapos?" nakapikit na nga ako gaya ng sabi n'ya.

"Naalala mo yung movie na pinanood natin, yung 2012?"

"O anong meron dun?"

"Isipin mo yung mga scenes dun, isipin mo end of the world na ngayon. Gumuguho ang lupa, nagkakagulo ang mga tao sa paligid mo, umuulan ng mga bulalakaw, gumuguho na ang mga gusali. Mag-isa ka lang wala kang kasamang kakilala mo."

"Okay naiimagine ka na bro, tapos?"

"Sinong hinahanap mo ngayon? Sa gitna ng nagkakagulong tao, sinong gusto mong makita? Sa kahuli-hulihang pagkakataon, sinong gusto mong makasama bago magtapos ang lahat? Sinong gusto mong makita bago magdilim ang lahat? Wag mong isipin Sky, pakiramdaman mo. Sinong nakikita mo ngayon?"

Sinong nakita ko? Sinong hinanap ko?

Tumigil ako ng ilang segundo, tapos iminulat ko na ang mata ko at tumingin akong mabuti kay Tyler na mukhang naghihintay na ng sagot ko.

"Gusto mo talagang malaman kung sinong nakita ko?"

Tumango s'ya tapos ngumiti ako bago nagsalita.

"Ikaw bro." sabi ko, nabato sya.

Napa face palm sya seconds after, "Sabi ko nga, hindi effective yun sa mga playboy. Hay." sabi pa nya.

"Bakit ganyan ang reaction mo? Hindi ka man lang ba natouched? End of the world bro tapos ikaw ang pinili kong makasama!"

[OHG SIDESTORY- Skyler Sy ] : Mr. Playboy, YOU'RE A DADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon