CHAPTER 5- I was just... passing by.

199K 3.8K 374
                                    

CHAPTER 5- I was just... passing by.

SKYLER's POV

"Ang sarap nito bro!" sabi ni Kuya Ken-Ken, kapatid ni Karma, mataba pero cute (sabi niya).

"Lahat naman ng pagkaen masarap sayo Ken-Ken." sabi naman ni Kuya Kevin, kapatid rin ni Karma, sobrang tangkad madalas nangangalay akong tingnan siya pag kausap siya.

"Anong pinapalabas mo, na matakaw ako?" -Kuya Ken-Ken

"Kung yun ang dating sayo wala akong magagaw--"

"Magsisimula na naman kayo! Diba sabi ni Kyra wag kayong mag aaway lalo na sa harap ng pagkaen? Gusto niyo bang isumbong ko kayo sa kanya?" -Kuya Kent, matcho at sabihin na nating pinaka matino sa tatlong kapatid ni Karma.

Tumigil na sa pag aaway si Kuya Ken-Ken at Kuya Kevin, kumaen na lang sila nung niluto kong lunch. Nasa bahay ako nila Karma, kakatapos lang naming maglaro ng basketball, inaya nila akong maglaro eh.

"Sky, bakit ang sarap mong magluto? Bading ka ba?" tanong ni Kuya Kent, nasamid tuloy ako.

"*cough cough* Hindi ako bading! Alam niyo mga bro, mas naiinlove ang mga babae sa mga lalaking marunong sa gawaing bahay, lalo na sa mga lalaking masarap magluto. Kaya ako nag take up ng HRM eh para mas makabingwit ng mararaming babae. Itong pinakaen ko sa inyo ang signature dish ko, ilang babae na ang na inlove sa akin dahil diyan." pagyayabang ko sa kanila.

"Talaga?" sabay sabay nilang tanong sa akin, ang mga mata nila manghang mangha.

Tumango lang ako sa kanila, at pagkatango ko, humanay na naman sila sa harapan ko, lumuhod at sinamba akong parang Diyos. Nakiusap na naman sila na turuan ko silang magluto nung niluto ko, ipapatikim daw nila sa mga nililigawan nila. Syempre ako bilang God ng mga Playboy, hindi ko naman sila pinagdamutan ng grasya. Mga miyembro narin kasi sila ng tamang daan ko, kaya siyempre hindi ko sila matatanggihan.

Bukod dun sa recipe nung pamatay kong dish, tinuruan ko sila ng iba pang mga da moves na pwedeng magamit sa mga babae. Sinimulan narin nilang magsubscribe sa Youtube account ko kung saan ako nagbibigay ng iba't ibang tips para sa pagpapa inlove ng mga babae. Kung may nagawa mang mabuti ang pagdating ni Karma at nung bubwit na yun sa buhay ko, eh ito na yun. Nakahanap ako ng mga bro na hindi boring at nakakaintindi sa aking tamang daan, hindi katulad ng kambal kong si Tyler na hanggang ngayon friendzoned parin kay Yuri niya, tss.

Habang tinuturuan ko pa yung tatlong kapatid ni Karma ng mga pangaral sa aking tamang daan biglang...

"Daddy Master! I wanted to see you! I never thought I'd see you here! I missed you daddy master!" Kakapasok lang nung batang bubwit sa pinto, hindi pa niya nailalapag yung bag niya pero nagtatakbo na siya papunta sa akin at niyakap ako. Mukha ba akong teddy bear at lage na lang niya akong niyayakap?

"Tama na yan, diba sabi ko sayo ang isang lalaki hindi dapat maging touchy sa kapwa lalaki?"

"Oh I forgot about that. Sorry daddy master." Bumitaw na siya sa akin, babalik na sana ako sa pagtuturo sa mga kuya ni Karma ng... "I just missed you so much that's all." sabi nung bubwit in a really sad tone, tapos umupo pa siya dun sa sofa looking teary and all, damn.

"Oi." lumapit ako sa harap nung bubwit, tumunhay naman siya at tiningnan ako nung mga malulungkot na paluhang mata niya.

"Namiss rin kita." sabi ko, mahina lang.

"What did you say daddy master? I didn't hear it!"

"Wa-wala. Wala akong sinabi, magbihis ka na ng pangbahay mong damit." Tumalikod na ako sa kanya, feeling embarassed dahil dun sa sinabi ko. Anu ba naman yung sinabi ko? Buti na lang hindi niy--

[OHG SIDESTORY- Skyler Sy ] : Mr. Playboy, YOU'RE A DADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon