CHAPTER 12- How Playboys Fall In Love

138K 3.4K 457
                                    

CHAPTER 12- How Playboys Fall In Love

SKYLER's POV

"Mga bro, may girlfriend na ako!" proud na proud kong sabi kila Go, Cloud, Tyler at Sho (well nevermind Sho dahil tulog s'ya). 

"We know. We know. Ilang beses mo ng sinabi yan, just cut it out." sabi ni Go na absorbed na absorbed sa pagbabasa ng manga. Sila Tyler at Cloud busy sa intense na labanan nila sa PSP nila.

"Iba to sa lahat ng naging girlfriend ko, seryoso ako this time. Hindi ba kayo natutuwa? Wala man lang magpapaparty? Walang inuman? Walang celebration? Come on bros!" sigaw ko pero parang hangin lang ang kausap ko. Wala talaga silang kwentang mga kaibigan madalas.

Umupo na lang tuloy ako sa sofa katabi ang natutulog na si Sho, kinuha ang cellphone ko at tinext na lang si Kyra... si Kyra na inabot ng dalawang oras bago magreply kasi may klase daw s'ya. Tsk.

It's been 2 weeks, 7 hours, 33 minutes and 3 seconds since we started dating and I'm still in half base, quite disappointing, but surprisingly I'm still completely happy. I don't know why, but Tyler said that's completely normal so what ever. (Nag eenglish ako hindi dahil lasing ako but dahil required sa trabaho that I speak in English so let's say na medyo may hang over pa ang system ko sa English language, at mukhang matagal-tagal bago mawala ang hang over na yun.)

Gusto ko sanang umuwi dun kila Kyra kasi 3 days ko na silang hindi nakikita pero wala akong magawa kung hindi magtiis dito sa bahay nila Go sa Tagaytay kasama ang mga boring kong kaibigan dahil kailangan kong mag overtime ng mag overtime sa trabaho para magkaron ng pera. Kailangan ko ng budget, balak ko kasing dalhin sila Kyra sa isang beach, mag-aouting kami! At syempre ang motibo ko ay para tumaas na kahit papano yung base kung nasaan ako. Yes I said I'm still completely happy though nasa half base palang ang level ng relationship namin, but it doesn't mean I plan on staying there for the rest of my life. Skyler Sy will not settle at that, hell no!

Kaya humanda sa akin ang Kyra na yun, this weekend, I'll definitely make it to first base-- no, make it second base! After all I'm Skyler Sy, the God of Playbo-- I used to be the God of Playboys! \m/

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

KYRA's POV

Nasa isang magandang beach kami ngayon ng pamilya ko kasama si Skyler. Out of the blue kasi bigla na lang nag aya ang loko na mag outing kami, at since he has this certain talent of making everyone agree to all of his plans, eh eto kami, enjoying ourselves sa beach kung saan n'ya kami dinala.

Our family had never been this lively before, especially si Kysler. Hindi ko pa s'ya nakitang ganito kaexcited pumunta sa isang trip. First time daw kasi to na may mommy at daddy s'ya kaya tuwang-tuwa s'ya. When Skyler told him na we're already dating tuwang-tuwa si Kysler, he even cried so hard in happiness. I never realized how much he wanted to have a father, until that time. I always thought na as long as mahalin ko s'ya ng sobra, okay na kahit ako lang, pero I guess that's not the case. 

"Ano'ng ginagawa mo?" sabi ko kay Skyler na wagas kung makayakap sa akin habang nakaupo ako sa harap ng table sa labas ng vacation house na pinagsstayan namin.

"Napagod ako sa pagluluto at pag-iihaw mommy, hindi to paglabag sa half base principle, nagpapahinga lang ako." sabi n'ya habang umaarteng pagod na pagod at hinihingal. Napailing na lang ako at natawa ng konti sa kanya. Lage na lang ganyan ang palusot n'ya sa tuwing yayakapin n'ya ako.

"Daddy master, why are you always hugging mommy? Hug me too!" sigaw ni Kysler habang hinihigit palayo sa akin si Skyler.

"Kysler diba sabi ni daddy ang isang lalaki, hindi dapat touchy sa kapwa n'ya lalaki! Kaya dun ka na bilis, makipaglaro ka na lang sa mga tito Ken-Ken mo." pagtataboy ni Skyler na tuloy parin sa pagyakap sa akin na parang wala ng bukas.

[OHG SIDESTORY- Skyler Sy ] : Mr. Playboy, YOU'RE A DADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon