CHAPTER 8- "Kyra"

162K 3.7K 617
                                    

CHAPTER 8- "Kyra"

KYRA's POV

Busy ako sa panonood ng tv sa living room ng bahay namin kasama si Kysler nang...

"At bakit hindi ka pa nakabihis?" biglang humarang sa harapan ko si Mr. Playboy, kakapasok lang nya sa bahay namin. Kainis, hindi ko tuloy makita yung pinapanood ko -__-

"Bakit ako magbibihis? Tumabi ka nga dyan, hindi ko makita yung pinapanood ko!"

"Magbihis ka na Karma! Sabi ng may utang kang date sa akin eh!" Ayaw parin nyang umalis -__-

"Wala akong matandaan kung bakit may utang akong date sayo, tumabi ka na dyan kung ayaw mong masaktan!"

Finally umalis narin sya sa harapan ko pero umupo sa gitna namin ni Kysler.

"Kysler, ayaw akong idate ng mommy mo oh. Pumunta si Daddy mo dito para lang sunduin si Mommy mo at idate sya, nagbihis pa ako ng maganda at nagpagwapo pero ayaw sumama sakin ng Mommy mo. Ang sakit Kysler, ang sakit. Alam ko sabi ko dapat hindi umiiyak ang lalaki pero naiiyak talaga ako Kysler huhuhu." I cant believe him! Dinadramahan nya si Kysler! Sumubsob sya sa knees nya tapos nag fake ng pag iyak! Si Kysler naman humihibi na, akala nya talagang nag iiyak yung magaling nyang Daddy Master!

"Mommy! Just go with Daddy! I don't wanna see Daddy sad! I don't wanna see him crying Mommy!" Nagsisimula nang mangilid ang mga luha ni Kysler. Bwisit ka Mr. Playboy!

"Kysler wag mong pansinin yang Daddy Master mo, nagaacting lang sya."

"Ahuhu! Narinig mo yun Kysler? Nag aacting lang daw ako? Ang sakit nun! Sobra na talaga akong nasasaktan ng Mommy mo kaya dapat lang siguro na umalis na ako at hindi na bumalik pa. Paalam Kysler, hindi na ako muli babalik pa sa buhay nyo." Tumayo na sya at akmang aalis pero...

"Uwaaah! Mommy! Please! Please just go with Daddy Master please! I don't want him to leave! Please, I will be a very good boy, just go on a date with him please, please Mommy!" With Kysler begging to me like that while almost in tears... wala na akong nagawa kung hindi pumayag sa kung ano mang gusto ni Mr. Playboy. Kainis.

"Fine, I'll go on a date with you pero hindi ko isusuot yung mga pinamili mo. Bantayan mo si Kysler." sabi ko sa kanya, sinamaan ko sya ng tingin pero ang laki ng ngiti nya sa akin. What's with him now?! Ugh! He's making things worse. Why must he be like this? Why with me? Why?

.

.

"Mas maganda ka sana kung sinuot mo yung mga pinamili ko sa'yo." sabi nya sa akin habang naglalakad kami sa mall. Sino pa nga ba sya kung hindi si Mr. Playboy.

"There's no way na isusuot ko yun. I have no intention na maging isa sa mga babae mo." Napatingin sya sa akin ng sabihin ko yan. Tiningnan nya ako ng seryoso, mata sa mata, ilang segundo syang nag pause tsaka nagsalita.

"Wala rin akong intensyon na gawin kang isa sa mga babae ko." sabi nya. Wala daw syang intensyon? Then what about that rule number 1 thing? Ugh ewan! Ang gulo nya!

"Kung ganun ano to? Bakit mo hawak-hawak ang kamay ko at bakit kailangan kong manood ng sine kasama mo?" sabi ko habang tinataas yung kamay kong hawak-hawak nya na ayaw nyang bitawan kanina pa.

Ngumiti sya ng bahagya, nagbuntong hininga tapos, "Paulit-ulit ko ng sinasabi, you owe me a date. You owe me a date that's why you should go on a date with me now. That's all there is to it. Bilisan mo ng maglakad, malapit ng magsimula yung pelikula." Hinigit na nya ako papunta dun sa ticket counter ng sinehan.

.

.

Habang nanonood kami, I was expecting na gagawa sya ng move on me, touch me somewhere, ganun, just like the playboy he is, pero no, wala syang ginawang kung ano. We watched silently like normal people do and what surprised me is that nung nilalamig ako dahil sa lakas ng aircondition dun sa sinehan, hinubad nya yung suot nyang hoodie at pinasuot yun sa akin, just like what a normal gentleman does in the movies. And the only word that came out from my mouth nung ginawa nya yun was, "Why?"

[OHG SIDESTORY- Skyler Sy ] : Mr. Playboy, YOU'RE A DADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon